Mula naman sa pagkakaupo sa nakatumbang puno ng saging na marahil ay nabuway sa mala bagyong lakas ng ulan at hangin ng nagdaang gabi ay tahimik na pinagmamasdan ni Rada si Pael. Bawat kilos na ginagawa ng binata ay sinusundan nya ng tanaw. Ni hindi nya alintana ang maputik na sandalyas at laylayan ng suot na bestida. Wala siyang ibang nakikita sa paligid kundi ang lalaki lamang na ilang araw na rin niyang inasam na masilayan. Umaalon ang dibdib niya sa kasiyahan dahil abot tanaw niya ang binata ngayon. Bakit ba hindi matapos-tapos ang amazement niya sa lalaking ito? Sapul ng makilala niya si Pael ay hindi na niya maawat ang sarili na mahulog rito. Bagama't hinahangaan niya rin si Clark ay malaki ang pagkakaiba ng dalawang lalaki.Hindi niya nakikita ang kaibigan sa kung paano niya tinit