KABANATA 13

1042 Words

"Ineng, mayroon ka bang hinahanap?" anang boses sa likuran na nagpa-pitlag kay Rada. Mabilis siyang napalingon sa likuran. Isang babae ang kanyang nabungaran. Nakapusod ang buhok at may bilaong tangan sa kamay. Bagama't larawan ng pagtataka ay nagbigay ito ng isang palakaibigang ngiti. Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban, ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait. Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. "Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sagot niyang itinuro ang kubo. "Ako nga ineng. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anitong may bahagyang pagkunot ng noo. "Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" sunod-sunod na tanong ng babae na gum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD