Emie's P.O.V: "Are you bothered?" he suddenly asked. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may bench sa loob ng garden ng school habang nagre-review ako at siya nama'y kumakain habang pinagmamasdan akong mag-review. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay masaya kami dahil nakumbinsi namin si Renzo na magpagamot. Ang sabi nila saaki'y hindi pa gaano kalala ang kondisyon ni Renzo. Maaagapan pa raw ito. Huwag lang ito sobrang magpapagod dahil makakaapekto ito sa kondisyon niya. Marami ring ipinagbawal sa kaniya at mabuti naman dahil sinusunod niya na ito ngayon. Ang kaso lang ay these past few days ay he refused to take his medications back. Kanina naman nung pumasok ako'y nagulat ako nang makitang inaantay niya ako sa may gate at sinabing ihahatid niya ako sa klase namin. Syempre't maraming naintriga