Emie's P.O.V: "Em, kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin!" hinihingal na sabi ni Patrick habang humarang sa dinadaanan ko. Dala pa rin nito ang librong dala niya kanina. "Talaga ba?" wala sa sariling tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang ba?" "Oo naman.." "Mukhang hindi, e. Saan ka ba galing? Hindi ka pa nakapagalit ng damit mo." Agad akong napatingin sa damit ko. Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan na namantsahan pala ang damit ko. "Galing ako sa ano... sa locker. Magpapalit sana ako ng damit kaso wala na pala akong extra. Do you have extra clothes? Hihiramin ko sana." Tumango naman ito saka hinila ako papunta sa kung saan man. Nakarating kami sa locker nila. Binuksan niya ang locker niya saka naglabas ng pirasong damit. Inabot niya ito sa'kin