Emie's P.O.V: Hanggang sa paggising, si Renzo pa rin ang nasa isip ko. Pero alam ninyo kung ano ang mas masakit? I didn't receive any texts or calls from him. Akala ko paggising ko, nandito siya sa bahay para hanapin ako't makausap pero wala. Duh, baka napagtanto niya na talaga na si Anaziel talaga ang mahal niya at hindi ako. Bumangon na ako at tiningnan ang oras just to find out na alas otso na pala ng gabi. Ramdam ko rin ang pagsakit ng ulo ko dahil siguro sa kakaiyak kanina. I stared at the mirror and saw my eyes... namamaga at namumula pa. Ano na lang kaya sasabihin nina manang nito pagkababa ko? Hindi na ako nag-ayos pa at diretso nang lumabas ng kwarto upang maghapunan na. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakababa sa hagdan ay kita ko ang isang pigura ng lalaki na nakatayo sa pintu