Emie's P.O.V: Isang linggo na rin ang lumipas simula no'ng mangyari ang insidente sa bahay. Pinakulong na rin ni Renzo ang lalaking nanloob sa bahay namin. Masyado pang fresh ang sugat na dulot ng pagkasaksak sa akin but I can tell na okay na talaga ako. "Love, are you sure na sasama ka talaga?" Kanina pa 'yan tanong nang tanong sa akin habang nagda-drive siya papunta ng school. Sabado ngayon at kahit walang klase'y kailangan niyang pumunta dahil sa meeting nila hindi lang para sa graduation kundi para sa nalalapit na Summer Festival ng school na gaganapin anytime this March. Nagpumilit ako kay Renzo na sumama dahil bagot na bagot na ako sa bahay. "Ika-ilang tanong mo na 'yan?" He sighed and focus his eyes on the road. "I'm just clearing things, love. Puwede naman kasi na hindi na la