`Di ko mapigilang hindi mapaiyak... "Hindi ko na matiis, gustong-gusto na kitang matikman ulit." Dinala ako ni Stephen sa madilim na parte ng playground. I tried to stop him pero sa tuwing ginagawa ko 'yon at hinihigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko. "I'll play with you here." Malakas akong sinandal ni Stephen sa puno at pilit na hinahalikan sa leeg. Ramdam ko ang magaspang na balbas niyang dumadampi sa balat ko. Mula sa bibig nito ay lumalabas ang mga tawa at paghingang punong-puno ng pagnanasa. Bigla kong narinig ang boses ni Vince habang sinasabi nito ang pangakong binitawan sa akin. Sabi niya ililigtas niya ako kung sakaling bumalik si Stephen. Sabi niya pa sa akin na `wag matakot dahil nariyan naman siya sa tabi ko, at kahit kailan hindi niya ako pababayaan. Unti-unting nawawa