"Ang sweet naman ni Lynus," saad ng kaniyang mommy nang bumungad siya na may dalang malaking bouquet ng pulang rosas. Napakalaki niyon na halos yakapin na niya ito para lamang mabitbit at halos natatakpan na ang kalahati ng kaniyang katawan. Tinulungan pa siya ng kaniyang ina upang mailagay ito sa ibabaw ng lamesa.
"Sweet nga, hindi naman ngumingiti," saad ng kaniyang kapatid na si Phine, ang kanilang panganay na kapatid.
"Huwag ka namang ganiyan, Ate. Ganoon lang talaga iyon na mukhang masungit pero mabait iyon. Sweet pa," pagtatanggol niya sa kasintahan.
"Saan na iyon?" muling tanong ng kaniyang kapatid sa kaniya.
"Kausap si Ate Peaches," sagot niya. "Oh ayan na pala si Ate. Si Lynus, Ate?"
"Hindi ba nagpaalam sa iyo? Umuwi na," sagot ng bagong dating. "Akala ko nagpaalam pa sa iyo bago umalis."
Bigla siyang nalungkot sa sinabi ng kapatid. Madalas kasing hindi nagpapaalam sa kaniya ang binata tuwing ihahatid siya nito lalo na kapag kausap nito ang kaniyang Ate Peaches. Kung wala lang asawa ang kaniyang ate ay iisipin niyang gusto ito ni Lynus dahil mas malapit pa ito at mas open sa ate niya keysa sa kaniya. But she was giving him a benefit of doubt lalo na at asawa ng kapatid nito ang kaniyang ate. Siyempre mas naunang naging malapit ang ate niya sa pamilya ni Lynus keysa sa kaniya. Na-develop lamang yata si Lynus sa kaniya dahil palagi siya nitong nakikita tuwing dumadalaw ito sa bahay ng kapatid. But nevertheless, mahal siya ni Lynus and that matters most.
"Hala! Sorry, Bunso. Akala ko kasi nagpaalam na sa iyo kaya pinauwi ko na. My bad!" hinging-paumanhin ng kaniyang Ate Peaches.
"Okay lang iyon, Ate. Hindi ko lang siguro na intindihan ang sinabi niya sa akin," sagot niya.
Masaya silang nag-usap kasama ng mga ate niya at mommy ngunit hindi pa rin mawala sa isip niya ang hindi pamamaalam ni Lynus sa kaniya. Nang mainip at dahil hindi rin siya makapag-concentrate sa pinag-uusapan nila ay nagpaalam na lamang siya na aakyat na sa kwarto. Nang makarating doon ay agad niyang inilabas ang cellphone upang tawagan sana ang kasintahan ngunit nakita niya ang mensahe nito.
Sorry. Hindi na naman ako nakapagpaalam nang maayos. I'll call you when I get home. I love you.
Love,
Lynus
Shit na malagkit! Nalusaw na ang pagtatampo niya sa kasintahan at napalitan ng ngiti ang nakasimangot niyang mukha. That made her day again. At least Lynus was aware of what he did. Siguro alam din nitong nagtatampo siya kaya ganoon. Again, she was happy and that made her night.
Kinagabihan ay tumawag nga ang binata at nag-usap sila. Nabanggit din nito ang pag-alis nito nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Sabi pa nito, hindi raw kasi ito sanay na may pinagpapaalaman so he was asking for her patience with him. Ayos lang naman iyon sa kaniya lalo na at bago pa lang sila. Dalawang linggo pa lang to be exact. Siyempre they're still coping up, adjusting with each other.
"Are you free tomorrow?" tanong sa kaniya ni Lynus.
"May klase pa ako ng half-day eh," sagot niya. "Bakit kasi?"
"Baka gusto mong pumasyal sa office," sagot nito sa kaniya.
"Really?" Natuwa naman siya nang bongga sa sinabi nito. He was inviting him in his office. Wow! Level up na ba sila?
"Oo naman. So susunduin kita bukas? After your class," wika nito sa kaniya.
"Hindi kaya nakakahiya na andoon ako sa opisina mo? May trabaho ka rin naman. Baka masesante ka."
Natawa ito sa sinabi niya. Anong nakakatawa? Grabe naman concern na nga siya rito, tatawanan pa siya.
"Did you forget that I own a company? Meaning ako ang boss," sagot nito sa kaniya.
Natawa na rin siya sa kabobohan niya. Oo nga pala. Mayaman pala ito. Saksakan ng yaman at may kompanya pala itong pagmamay-ari.
"Was it fun to be a boss?" out of the blue na tanong niya sa binata. "That you're superior than others?"
"Of course it was fun," sagot nito sa kaniya. She can hear the pride on his voice. "You being above others, it was good. Pero may kaakibat iyong responsibilidad. I am strict because I wanted to make my company last longer... for my employees. Hindi lang naman para sa akin iyon. Without my company, marami rin ang mawawalan ng trabaho."
Hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi. He was responsible sabi na nga ba niya. Hindi siya nagkamali na sagutin ito and she knew she will be safe with him. Aalagaan siya nito.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong sa kaniya ng kasintahan.
"I'm doing my homework," sagot niya at napabuntong-hininga habang nakatingin sa notebook niya.
"What's the sigh for?"
"Ah... hindi ko kasi maintindihan ang lesson na'to. Math. I hate it. That's my waterloo. Malapit-lapit ko nang i-drop."
Natawa naman ito sa kaniya. "That's easy. I'll help you."
She looked at the screen of her phone. Namatay ang tawag. When she tried to call him again ay hindi na ito sumasagot. Akala pa naman niya tutulungan siya nito sa assignment niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at ipinagpatuloy ang paggawa nito.
"Pen?" tawag sa kaniya ng mommy niya habang kumakatok ito sa kaniyang pintuan. "Pen, Anak? Buksan mo itong pinto."
"Coming, Mom!" she answered.
Patamad na tumayo siya and opened the door only to be surprised dahil kasama ng mommy niya si Lynus na nakadamit pambahay at may bitbit din itong dalawang plastic bag sa kamay.
"Nagpapatulong ka raw sa homework mo. Juskong bata ito! Sinabi mo na lang sana sa amin at kami na ang tumulong sa iyo. Ang layo-layo pa nang biniyahe ni Lynus para sa iyo," litaniya ng kaniyang mommy.
"It's just me, Tita. Hindi niya alam na pupunta ako," sagot naman ni Lynus sa mommy niya.
"Okay. Maiwan ko na kayo. And please, Lynus. No monkey business," paalala ng kaniyang mommy kay Lynus.
Napangiti naman ang binata sa ina. "No monkey business, Tita. I'll go kapag natapos na."
"Good. Bata pa iyang anak ko. Alalahanin mo."
"Mommy?"
Naiiling na lamang na umalis ang kaniyang ina. Hindi niya alam na may ganoong ideya rin pala ito. Buong akala niya ay all in na ang mga ito kay Lynus. Sabagay pinangangalagaan lang naman nito ang kaniyang kapakanan.
"May I come in?" pukaw ni Lynus sa kaniya.
Natauhan siya at tiningnan si Lynus na naghihintay sa kaniyang sagot. Kaya naman niluwagan niya ang pinto at pinapasok ito.
"Pasensiya ka na sa kwarto ko magulo."
"Magulo pa ito sa iyo? You're too organized then kapag ganoon."
Iginiya niya si Lynus sa mini sala niya at doon ipinagpatuloy ang pagtapos ng kaniyang gawain habang pinagsasaluhan nila ang dala nitong pagkain. Hangang-hanga siya sa kasintahan dahil chicken na chicken ang pagsagot nito sa mga iyon. Simple lang din ang mga paliwanag nito ngunit hindi talaga ma-gets ang sinasabi nito.
"Stop staring at me and listen," saad ni Lynus sa kaniya at pinitik pa nito ang noo niya. Napasimangot siya sa ginawa nito.
"Hindi ko talaga ma-gets eh."
"Paanong hindi mo ma-gets eh wala naman diyan ang isip mo," turan nito.
"What can I do kung gwapo ng tutor ko," sagot niya.
Lynus looked at her. Pinag-aaralan nito ang kaniyang reaksiyon at wala siyang nagawa kundi ngumiti na lamang nang pagkatamis-tamis dito. At sa isang kisap-mata, naramdaman na lamang niya ang mga labi ng binata sa mga labi niya. Masuyo ang mga halik na ginagawa nito dahilan para tugunan niya ito, mimicking his movement. Naramdaman din niya ang paghiga nila sa sahig habang pagkahinang ang kanilang mga labi. Nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay nito patungo sa dibdib niya at marahang pinisil ang mga iyon nang salitan. She let out a moan. Then all of a sudden, he stopped.
"No monkey business," nakangiting wika nito sa kaniya matapos ang halik. Idinampi rin nito ang daliri sa kaniyang mga labi.
She bit her lips while looking at him. Nakatingin pa rin ito sa kaniya at halatang nagpipigil ng sarili.
"Cmon, let's continue bago pa ako may magawang hindi maganda. Baka hindi na ako makabalik dito." Hinila siya nito paupo at binigyan ng halik sa noo bago nagsimulang iturong muli sa kaniya ang aralin.
Matiyagang tinuruan siya ni Lynus hanggang sa matapos nila ang kaniyang homework pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya maintindihan ang mga ito. She felt Lynus' effort was wasted.
Ganoon ang naging set-up nila ni Lynus since that night. He would come and visit him almost every night just chatting with one another in the garden most of the time at lalo na kapag may ginagawa siya. He was a very supportive boyfriend. A prince charming indeed.
DAYS passed and everything went smoothly, happily for Penelope. She was living her fairy tale life as what she said with Lynus being around, wala na siyang hahanapin pa.
"Happy birthday!" bati sa kaniya ng kaniyang mga kapatid pagkababa niya sa hapag-kainan.
Isa-isa niyang niyakap niya ang mga ito maging ang kaniyang mga magulang. It's her eighteenth birthday today. Nasa legal age na talaga siya at pwede nang mag-asawa kagaya nga ng biro ng mga ito. Pero hindi pa naman siya mag-aasawa dahil wala pa namang sinasabi si Lynus sa kaniya.
"So ready for the big party?" tanong ng kaniyang mommy na ikinatango niya.
"Very excited, Mommy."
After breakfast, they readied themselves for the party in the evening. Sa isang sikat na hotel gaganapin iyon perks of being rich. Wala namang problema sa kanila iyon dahil maykaya ang kanilang pamilya aside from may kani-knaiyang trabaho na ang mga nakakatandang kapatid. She was their baby in the family kaya halos lahat ng gusto niya, kailangan niya ay ibinibigay ng mga ito pero hindi naman siya spoiled brat kagaya ng iba. Sa totoo lang ay hindi nga sana niya gustong mag-party dahil sayang ang pera but her family insisted. Minsan lang daw iyon sa buhay ng isang dalaga darating kaya naman pumayag na lamang siya dahil totoo naman ang sinasabi ng mga ito.
At night, her party was lavish and fabulous. Maraming mga bisita ang dumalo para masaksihan ang engrandeng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Her theme was fairy tale as usual so she dressed like a real princess in midnight blue ball gown made by a famous fashion designer.
"Bakit hindi ka mapakali riyan?" tanong ng kaniyang Ate Peaches.
"Hindi ko pa kasi nakikita si Lynus," sagot niya. Kanina pa kasi niya ito hinihintay ngunit wala pa ito. She was calling him pero hindi ito sumasagot. Nakakatampo rin dahil hindi pa siya nito binabati simula kaninang umaga. Malapit na ang part ng eighteen roses dance ngunit wala pa ito. Ni wala man lang itong pasabi.
"Darating iyon," her sister assured her. "Nagkaproblema lang daw iyong isang barko nila kaya inasikaso. Hindi naman niya palalampasin ang birthday mo. Just wait for him."
Napabuntong-hininga siya dahil hindi talaga siya mapakali. If he won't be here tonight on her birthday, sasama talaga ang loob niya. This is one of her important days in her life kaya dapat present din ang mga taong importante sa kaniya kasama na doon si Lynus na pinakamamahal niya.
The dance started. Gusto niyang ngumiti but she can't smile fully dahil sa sobrang pagkabalisa dahil ni anino ni Lynus ay wala pa. Palapit na palapit na ang part nito ngunit wala pa rin. Gusto na niyang maiyak pero pilit niyang pinipigilan ang sarili. This is a happy moment kaya kailangan niyang maging masaya kahit kunwari lang.
Her brother came to dance with her and told her to smile dahil halatang pilit ang mga ngiti niya. Parang biyernes santo raw ang mukha niya.
"He will come," sabi nito sa kaniya.
Pilit ang ngiting ibinigay niya sa kapatid. Then it's her father's turn to dance with her. Ganoon din ang sinabi nito sa kaniya, that she must smile. Pero papaano niya gagawin iyon kung wala naman ang kaniyang kasintahan. She can see her Kuya Larry standing in the corner kausap ang kaniyang kapatid and he was getting ready for her eighteenth dance. Hawak na nito ang huling pulang rosas.
While she and her father was dancing, nagsimula na itong maglakad patungo sa kinaroroonan nila ng ama. She looked at her father who was now looking at her too. There was a smile on his face but she can't force herself to smile. Unti-unti nang nanunubig ang kaniyang mga mata.
"Hey! Look at me, Baby," wika nito sa kaniya. "Just look at me and nowhere else. Everything's gonna be alright. This is your night so be happy," wika nito sa kaniya pagkatapos ay hinalikan nito ang noo niya bago siya ibinigay sa kaniyang bayaw na kahalili ng kapatid nito.
Nakayuko siya habang nagsimula silang sumayaw ng kaniyang Kuya Larry. She was watching her tears dropped on the floor. At parang na-ge-gets naman nito ang kaniyang sitwasyon dahil unti-unti inilapit nito ang katawan sa kaniya, tapping his hand on her bare shoulder.
"Am I not that handsome para hindi mo man lang ako matingnan?" wika ng pamilyar na tinig na iyon.
She looked up and saw Lynus like a real prince charming standing infront of her. Nanlaki ang mga mata niyang hindi makapaniwalang nasa harapan na talaga niya ito. Mukhang namamadali talaga ito dahil may ilang butones ng damit nito ang hindi pa naiaayos. She stopped dancing at ganoon din ito. He came. Sobrang galak ng kaniyang puso dahil sa presensiya nito. His presence alone completed her special day.
"Akala ko hindi ka na darating?" mahinang wika niya, tears about to burst. They continued dancing at parang silang dalawa lamang ang nasa paligid.
"I wouldn't miss this," sagot nito sa kaniya. "Happy birthday, Sweetheart." Hinagkan nito nang mabilis ang kaniyang mga labi bago nila ipinagpatuloy ang banayad na pag-indak sa musika. "It's time for me to give your birthday present."
They stopped dancing. The spotlight was focused on them and everyone in the party was in silence. Anong meron?
And to answer her question, Lynus knelt down infront of her and took out a red velvet box.
"I've been waiting for this day to come. I love you since the day I saw you. I've been dying to ask you this but your parents didn't allow me because you're not in a legal age. You know what I mean right?" Napatango siya. "Will you be my wife, Penelope Ramos? Will you spend the rest of your days with me?" madamdaming tanong ng binata sa kaniya.
Ang luhang kanina pa niya pinipigilan ay nagsimula nang mag-unahan dahil sa sobrang saya. She nodded. "Yes. Yes, I'll marry you," sagot niya sa binata.
Lynus inserted the ring on her finger, stood up and gave her a kiss then hugged her tighter. "Thank you. I've been waiting for this day to come."