ASTRID preferred the lights off when she's sleeping. Ang babahagyang liwanag na paminsan-minsang sumusuot sa mga siwang ng dingding ay mula raw sa isang lighthouse. Sobrang tahimik ng paligid maliban sa huni ng mga kulisap, palaka at panggabing-ibon. But she could not appreciate the serenity around her dahil nahihirapan siyang matulog. Itinaas niya nang bahagya ang kumot. Ang dulo ng comforter na itinupi niya nang ilang ulit ang nagsilbi niyang unan. Niyakap niya ang stuffed toy. Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong lumalamig sa sitio. Kung tutuusin ay masarap matulog sa ganoong katahimik at kalamig na lugar, pero hindi sa kaniya. Hindi siya dapuan ng antok. Tumikhim siya nang isang beses. Itinaas niya sandali ang ulo upang masilip si Revor na nakahiga sa ibaba. At dahil maputi ito, n