PAGTATANIM ng kamoteng ube ang pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubo ng sitio. Kwento ni Manong Ramil, isang grupo ng socio-economic activists ang dalawang beses kada taon kung sumadya sa sitio upang mamahagi ng ilang sakong yams. "Kumpara sa lupa rito, mas malambot at mataba ang lupa sa bandang itaas. Kaya mahigit tatlong kilometro pa mula rito sa sitio ang inaakyat namin para magtanim ng mga ube." "Tatlong kilometro pa, Manong?" bulalas niya na tila hindi makapaniwala. "Kung gano'n ay kailangan ko palang paghandaan ang pagsama ko sa inyo bukas?" "Sasama ka?" nagdududang tanong ng chieftain. "Pwede naman yata na si Revor na lang ang kumuha ng video ng mga magtatanim. Kaya mo pa bang umakyat?" "Kakayanin ko, Manong. Tutal ay may warm-up na'ko. H’wag kayong mag-alala." Ilang intervi