SA tingin ni Astrid ay wala namang espesyal sa sandwich na kakukuha lang niya mula sa meal bag. Ang naroon ay ang sliced bread na binibili lagi ni Ate Vicky, at sa gitna ay ilang patong na bacon, mayo at cheese. Napakaordinaryo. Walang kakaiba maliban lang na si Revor 'daw' mismo ang gumawa ng mga ito. Isang tikhim ang narinig niya mula sa katabi. "Don't you like my sandwich? Simple lang 'yan, pero sigurado namang masarap." Napatingin siya sa binata. Ang mga mata nito ay nakatuon sa daan, marahang ngumunguya habang sa isang kamay ay ang sandwich na may kagat na nito. She pouted. Of course, masarap na din iyon. With their imported brand of bacon and cheese, sasarap talaga iyon. Hinawi niyang maigi ang tissue na nakabalot sa tinapay saka nagsimulang kumagat. Sa meal bag ay may nakita siy