"LAST five minutes..." Napaangat ang tingin ni Astrid sa sinabing iyon ni Mrs. Kalaw. Matikas iyong nakaupo sa kanilang harapan at gumagala ang mga mata. Ang subject nito ang pinakahuli sa linya ng mga exams nila para sa midterm. Kabisado na niya ang pagiging matalas nito kaya maagap niyang niyuko muli ang answer sheet. Wala naman siyang problema sa nalalabing oras. She was actually almost done with the test. "Finished!" sambit ni Edison maya-maya sabay taas nito ng papel. Napasulyap siya sa kaibigan na tumayo na agad upang maipasa ang test paper sa naghihintay na propesora. Ilang segundo pa lang ay nagsunuran na rin ang iba pa. Mukhang siya pa yata ang mahuhuli at hindi niya iyon gustong mangyari. Kaya naman tinutukan na niya nang husto ang natitirang ilang tanong at nang makatapos na