SA dating tambayan malapit sa soccer field natagpuan ni Astrid sina Edison at Thea. Pero hindi lang ang dalawa ang nandoon. Kasama ni Thea ang pinsan nitong si Liam. She looked around and behind her. Mukhang pinakinggan naman siya ni Revor dahil hindi na niya ito nakita. Malamang ay umuwi na nga ang binata sa kanila. Dumiretso siya sa direksiyon ng mga kaibigan. "O, ayan na ang hinihintay mo!" bungad ni Edison sabay tulak kay Liam patungo sa kaniya. Napakamot sa batok ang binata. "Liam..." bati niya at sumulyap sa dalawa. "Astrid, hi..." "Hinihintay mo raw ako?" tanong niya bagaman nahuhulaan na niyang ang tungkol sa birthday party nito ang dahilan kaya naroon ang binata. "Yup," sagot nito at mahiyaing ngumiti. "I just want to personally invite you to come to my party. Though nasabi n