SIGURADO ka bang hindi ka na magpapahatid sa akin? Naririndi na ang teynga ko sa paulit-ulit na tanong ni Walter. “Hindi na. Si kuyang driver na lang dahil masyado na akong nakadisturbo sa iyo. Maraming salamat pala sa tulong mo sa akin kanina. Tsaka pasensya na kung naging suplada ako dahil nagulat lang din ako nang makita ka sa kuwarto sa condo mo. Ang alam ko talaga ay si Emman ang kasama ko.” “So boyfriend mo talaga siya? sayang! Nahuli ako nang dating, pero maghihiwalay pa naman kayo. Then, sasaluhin kita.” “Ikaw talaga poro ka kalokohan. Sige na, aalis na ako at pakisabi kay tita na salamat at bukas ay dadalaw uli ako dito pagtapos ng klase ko at maipasyal ko sa park ang anak ko.” Habilin ko sa kanya at nangako siyang sasabihin niya iyon. Binuksan pa niya ang sasakyan at hinabil