Adelina’s Pov HABANG nasa byahe pabalik sa condo ay tahimik kaming dalawa. Hindi pa rin maipinta ang mukha ni ninong, hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. Kung doon pa sa paghawak sa akin ni Gerald ay ikakatuwa ko sapagkat nagseselos naman pala siya sa kaklase ko na iyon. Hanggang nga nakarating kami sa condo at siya ang nagbukas ng ilaw. Wala na si yaya nang makauwi kami, nilagay ko ang bag ko sa sofa at hinubad ko ang suot ko sa paa. “Wash your hands,” utos niya sa akin at napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin. Sa lababo na lang ako naghugas ng aking kamay at eksaktong nagpunas ako ng kamay nang tumunog ang phone ko sa bag kaya kinuha ko iyon, numero lang at hindi ko kilala. [“Sino ‘to?]” Tanong ko sa kabilang linya. [“Hello, Adel, it’s me… Ge