Adeline’s POV Sumapit pa umaga, pero wala pa rin si ninong. Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog. Bumangon na ako at naligo, nagsuot lang ako ng fitted pants at croptop. Sabado kasi ngayon at may pasok ako na three subjects lang. Naririnig ko ang ingay ng TV nang lumabas ako ng kuwarto at alam kong si yaya iyon pumasok na siya. Ngunit laking gulat ko nang makita ko ang likod ni ate na busy sa paglagay ng mga pagkain sa refrigerator. At si ninong na nagpupush-up na naman sa sahig. Bigla akong napaatras at bago pa nila ako makita ay bumalik ako sa aking kuwarto at ni-lock iyon. Napasandal ako sa pinto hanggang napaupo, yakap ko ang aking tuhod. Bigla akong naging duwag ngayon. Alam ko ang ugali ng kapatid ko, kung ang simpleng suklay nito ay ayaw niyang ipagamit sa akin si ninong