“Whoooaa!” Mas lalong tumawa si Emman. Masyado daw siyang madrama. “So ang putahe lang ni Alisson ang tinitikman mo? hindi ka ba nagsasawa? Dude, masarap tumikim ng iba’t ibang putahe, magkakaiba ang kulay, magkakaiba ang sarap!” Pabulong na panunukso nito sa kanya. “Hindi pa namin nagagawa ang bagay na ‘yon. Nirerespeto ko siya—“ Pinutol ni Emman ang sasabihin niya. “Huwag mong sabihin na virgin ka pa?” Hindi nakakibo si Greg dahil hindi siya marunong magsinungaling. Sa pananahimik niya ay malakas na tumawa si Emman at patuloy siyang tinutukso. “Uuwi na lang tayo.” Pag-iiwas ni Greg pero mas lalo lang siyang tinukso ni Emman. “Oh, c’mon dude! ‘wag kang KJ diyan. Tara at may maganda akong ideya.” Saad nito at nagpumilit si Emman kaya sumama na lang si Greg. Si Emman na ang na