NAKAHINGA ako nang maluwag nang matapos ang subject ko kay Greg. Hindi ko talaga alam kung bakit napakabilis niyang makapasok bilang professor gayong kagabi lang ay magkasama pa kami. Nakita ko kasi Anna ang kaklase ko tulala sa kawalan habang naglalakad. “Oy, Anna?” untag ko sa kanya at hindi niya ako pinansin kaya hinampas ko na siya. “Aray naman! Ano ba ‘yon?” iritado niyang boses. “Ang sabi ko kung may alam ka ba sa bagong professor natin?” “Wala! Tsaka wala na akong pakialam basta ang guwapo niya at crush ko siya. Crush siya ng campus pero ang sabi niya ay may asawa na daw siya at anak. Naalala ko siya pala ‘yong nagbisita noong nakaraan na kasama ang anak. Tsaka, sila ang nag-sponsor ng kabilang building. ‘Yong sa architecture department kaya malaki ang respeto sa kanila dah