ILANG gabi rin silang nakiramay sa pamilya ni Bunoy. Hindi na kasi pinatagal at nilibing na. Pero hindi na nakilibing si Gessa gawa ng may exam siya no’ng araw na iyon kaya si Emman na lang ang nakilibing. Nakakatuwa nga lang dahil sa halos tatlong taon na paninilbihan ni Emman sa bayan ay nagbibigay tulong ito maging buhay man o patay. Pero ang ipinagtaka niya ay nakilibing talaga si Emman dahil sa pagkakatanda niya ay nagpupunta lamang ang nobyo niya sa mga namamatayan ng isang gabing pakikiramay kasabay ng pag-abot ng tulong tapos ang barangay na ang bahala. Marahil ay dahil hindi na iba sa kaniya si Bunoy dahil sa kababata niya ito at malaki ang naitulong sa kanilang mag-lolo kaya si Emman ay tumatanaw rin ng utang na loob. Napapatango si Gessa habang kausap ang sarile. Narito siya s