Kabanata 38

1401 Words

DUMATING ang araw ng graduation ni Gessa Mae at katulad ng inaasahan ay siya naman ang bukambibig ng lahat ng mga estudyante. Paano ay pina-make-upon pa siya ng donya kaya tuloy ay inis sa kanya ang mga kababaehan dahil nasasapawan na naman niya ang mga ito. “Gessa, nasaan ang lolo mo at ikaw lang mag-isa. Sino ang kasama mamaya sa stage?” Nalungkot ang dalaga dahil sa lahat ng mga estudyante ay siya lang ang walang pamilya na kasama. Pero ngumiti siya sa adviser niya. “Hindi po kasi makalakad si lolo, ma’am. Namaga ang binti niya. Ang mahalaga po ay makakapagtapos na ako sa high school at excited na akong pumasok ng kolehiyo sa pasukan.” “Kaya ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat ng estudyante ko dahil malawak ang iyong kaisipan. Kaya tiyak kong malayo ang mararating mo sa buhay, G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD