MABILIS na lumipas ang mga araw hanggang naging buwan at ngayon ay kagagaling pa lang nila sa OB-gyne. Pitong buwan na ang tiyan ni Adeline kaya malaki na ito. Minabuti ni Wilson na hindi na muna pumasok sa clinic nito at sa halip ay ang pinsan na si Mathias ang naroon. Mas gusto kasi ni Wilson na alagaan ang asawa kaya hindi ito lumalabas ng bahay. Katulad ngayon, pinaliguan niya si Adeline at inaahit niya ang buhok nito sa ibaba dahil hindi na raw nito maabot. Sabay na rin sila naligo at pagkatapos ay binihisan niya ang asawa. Nang maisuot sa kaniya ang panty ay kinuha pa ni Wilson ang daster niya at sinuot sa kaniya. “Ako na, baby. Kaya ko nang magsuklay.” Saad ni Adeline at kinuha ang suklay nito sa kamay. Tumayo siya at lumapit sa malaking salamin habang si Wilson ay nagbibihis na