SUMAMA ako kay Wilson nang walang pag-aalinlangan. Naiinis ako dahil masyado siyang tahimik at hindi ako sanay. Hanggang sa piniringan niya ako, hindi ko alam kung ano ‘tong larong ginagawa niya sa akin at hindi ako natutuwa. Hanggang sa naglakad kami at bigla niya akong niyakap nang mahigpit halos hindi ako makahinga hanggang binitiwan na niya ako at pagtanggal ko ng piring ay tumambad sa akin si Gerald. Nagulat ako, napangiti ako dahil malaya na siya. Sinasabi ko na nga na hindi ganoon klaseng tao si Wilson, alam kong mapapatawad niya si Gerald katulad ng hiling ko. Niyakap ako ni Gerald at niyakap ko siya pabalik. “I miss you, Adel. Pasensysa na sa lahat ng pagkakamali ko, nabigla lang ako, hindi ko sinasadya iyon,” hingi niyang paumanhin sa akin. “Huwag mo nang uulitin iyon, mabuti