Dr. Wilson’s POV NAGISING ako dahil sa tapik sa aking balikat, si Mathias ang bumungad sa akin. Narito ako sa sofa tiyak kong siya rin ang nagdala dito sa akin. Kinumusta ko si Gerald sa kaniya at iyon nakikiusap umano ang lalaki na palayain siya. Napahilamos ako sa aking mukha, mahirap ang gustong mangyari ni Gerald lalo pa at no bail ang kaso niya. Pero alang-alang kay Adeline ay gagawin ko. Kaagad na pumalag si Mathias sa sinabi ko pero kalaunan ay wala siyang nagawa. Bumaba naman si Franco at nag-usap sila ni Matihas dahil kilalang abogado at maraming connection ang pinsan namin kaya magagawan nito ng paraan. Naligo ako at binigyan ako ni Franco nang masusuot. Kahit wala akong gana kumain ay pinilit ako ni Cassandra. Hindi nagtagal ay lumabas na ako sa mansyon nila at byahe ako nga