3rd Step: “Someone weird”

2545 Words
INIS KONG IDINILAT ang mga mata ko nang hindi ko talaga magawang makatulog. Tumitig ako sa kisame nang maliit kong apartment. Nang nabored ulit, bumangon ako at nag-indian sit sa maliit kong kama.             Nilingon ko ang bedside table kung saan nakalagay ang alarm clock ko. It's nine-thirty in the evening. Kailangan kong matulog nang maaga para 'di ako maging bangag bukas. Pero heto't gising na gising ako.             Wala namang dahilan para manatili akong gising. Bukod sa nangyari kaninang umaga, wala nang ibang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko.             “. . . these books aren't published under the years 2008 up to this year. 1996 pa nang naipublish ang librong 'to, 1998 naman 'to.” Mababakas ang inis sa boses ni Heiro nang nilingon niya ako at mabilis na kinuha ang hawak kong libro. Matapos gawin ‘yon, binalingan niya si Braire. “Sinabi sa atin na recent published calculus books ang gagamiting references. Maghanap tayo ng iba, Braire. 'Wag ang mga 'to.”             Nalukot ang mukha. Isa-isang tiningnan ni Braire ang mga libro. Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango.             Nilingon niya ako. Malungkot lang akong ngumiti. “Mga recent published calculus books pala ang kailangan niyo. Hindi ko alam. . . wala rin naman kasing nagsabi.”             “Hindi ka rin naman nagtanong,” sabi ni Heiro.             Nagtagis ang mga ngipin ko. Hala, aba't ako pa ngayon ang may kasalanan?             “Sorry, Aeyzha. Kami na lang siguro ang maghahanap. Maraming salamat sa tulong,” sabi ni Braire sa akin.             Tumango na lang ako at bastang tumalikod. Umirap at nagmake-face para inisin sana si Heiro pero ang totoo, ako ang inis ngayon. Ang lakas ng loob niya ha. Tinutulungan ko na nga siya at ang mga kasama niya tas ganun pa ang sasabihin niya? Wow, talaga.             Bumalik ako sa counter, kinuha at binuklat ang librong iniwan ko ro'n kanina. Hindi ko na pinansin ang nangyayari sa paligid. Wala na rin akong pakialam kahit na paulit-ulit na akong tinatawag ng mga kasama niya sa malayong mesa. Hindi ako nakinig. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagbabasa.             Matapos ang mahigit 15 minutes, nag-angat na ako ng tingin. Alam ko pa rin naman ang mga nangyayari kahit na nakikinig lang ako kanina.             Nahagip ng paningin ko si Heiro. Busy na siya sa pakikipag-usap sa mga kasama niya. At nalaman ko na hindi lang niya 'yon bastang mga kasama lang. Mga bagong kaibigan niya iyon.             'Di na rin ako nangulit pa. Kahit inis ako, ipinagkibit balikat ko na lang 'yon. Bumalik na sina Mrs. De Villa. Kasama nilang dumating sina Lily, Keila at Jean na katulad ko ay mga S.A. rin. Matapos naming mag-usap ng mga ilang minuto, sila na ang pumalit sa akin. Nalate lang sila nang pagpunta sa library pero magkapareho ang oras ng duty naming apat. Nagpaalam na ako na papasok na sa mga natitira kong klase sa hapon. Matapos ang mga 'yon, umuwi na ako sa inuupahan kong maliit na apartment.             Yeah, that’s what happened.             Napabuntong hininga ako, muling ibinalik ang isipan sa kasalukuyan. Dahan-dahan akong nahiga sa kama habang nakatitig sa dingding sa gilid ko.             Kahit na ganun ang nangyari kanina, hindi ko pa rin mapigilang hindi umasa na one of these days, magbabago rin ang ihip ng hangin. Baka nga magka-usap na kami ni Heiro at mapatawad niya na ako.             Oo, iyon lang ang patuloy kong ginagawa. Ang umasa nang paulit-ulit.             Napangiti ako nang maalala kung ano'ng madalas kong gawin noon kapag hindi ako dinadalaw ng antok. Tatawagan ko si Heiro. Sinasagot niya naman ‘yon. Walang palya. Ni isang reklamo, hindi ako nakarinig mula sa kanya. Ako na nga ang nahihiya dahil sa tuwing tumatawag ako, kadalasan ng mga sinasabi ko ay mga nonsense lang na mga bagay. Pagkatapos, magtatanong ako sa kanya ng kung anu-ano at sasagutin niya iyon.             Natatawa pa siya sa tuwing nagkukuwento kinabukasan. Hindi ko makakalimutan ang panliliit ng mga mata niya, titigan ako nang hindi makapaniwala pagkatapos ay hahagalpak sa pagtawa. Ikukuwento niya kung paano niya narinig ang mahina kong hilik ilang minuto matapos ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang nauna, itlog ba o manok?             Lumapad ang ngiti ko, pero naramdaman ko ang paglandas ng luha sa kaliwa kong pisngi. Gusto ko pa sanang alalahanin ang mga nangyari noon, kung hindi lang nagsisimulang sumikip ang dibdib ko.             Nagpatuloy sa marahan na pagtulo ang mga luha ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na akong naidlip. ─◎─ Maaliwalas ang mukha ko nang pumasok ako sa university kinabukasan. Nakangiti ako habang panay ang paglingon sa paligid. Sanay na akong gawin 'to. At tuwing nakikita ko na si Heiro, hahabulin ko siya, pero hindi rin niya ako papansinin. I’m hoping this isn't one of those days.             Inayos ko ang pagkakahawak sa bag ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Marami akong nakakasalubong sa corridor ng building namin pero nabigla ako nang may isang lalaking tumigil sa harapan ko. Humakbang siya palapit, mataman ang pagtitig sa akin. His lips slightly moved, until it stretched into a small smile. He mumbled something, but I didn’t hear it clearly. Nabigla na lang ako sa sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang tungki ng ilong ko. Marahan din niya iyong piningot.             Kumunot ang noo ko, bahagyang iniangat ang mukha para matitigan ko siya sa mga mata.             The heck, ano'ng ginagawa ng lalaking 'to?             Matangkad ang lalaking ngayon ay nasa harapan ko. Medyo maputi. His hair has a different color. . . somehow a mix of red and light brown? Saglit akong tumitig ro'n para tingnan kung natural ba iyon. Hindi ako sigurado. Makapal ang mga kilay niya. Matangos ang ilong. Pointy. May mahaba at purong itim siyang pilikmata. Manipis ang kanyang labi.             Nang napatitig na ako sa kanyang bandang lalamunan, nakita ko ang bahagya niyang paglunok. His adam’s apple moved. . . natulala ako, pero nasita ko ang sarili.             Tiningnan ko siya sa mga mata. Sigurado ako na kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ko at ang talim ng mga titig ko. Pero bakit hindi pa rin siya kumikilos? Nasa harapan ko lang siya, nakangiti sa akin.             Mabilis kong tinabig ang kamay niya. Napaatras siya ng isang beses.             “What are you damn doing?” angil ko. Mahina lang iyon dahil ayaw kong makaagaw ng pansin. Baka ilang segundo ang lumipas at palibutan na kaming dalawa. 'Di ko pa naman kilala ang lalaking kaharap ko ngayon. Panibagong issue na naman ba 'to ulit?             Parang natigilan ang lalaking ngayon ay kaharap ko. Kumunot ang noo niya katulad ng sa akin. Hindi siya nagsalita. Pinigilan ko ang sariling umirap at magmura ulit.             Nagtaas na lang ako ng kilay. At bumuntong hininga na lang ako nang tumunog ang bell. Humakbang nang ilang beses at nilampasan siya.             Nang nakalayo na ako ay nilingon ko siya. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa kung saan kami nagkaharap kanina. Napatingin siya sa sahig at napakamot sa kanyang batok. Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.             Bangag ba ang lalaking ‘yon? O napagkamalan lang niya akong kakilala niya kaya. . . basta nilang niya iyong ginawa?             Whatever it is, I guess I shouldn't bother myself about that. Kailangan ko nang pumasok sa klase ko.             Mabilis na lumipas ang tatlong oras. Payapa naman ang lahat. Pwera na lang sa hindi ko nasilayan o naaninag man lang si Heiro. Kung saan ang bago niyang tambayan tuwing vacant niya? Hindi ko na alam. Siguro kasa-kasama niya iyong mga bago niyang kaibigan sa kung saang kasosyalan man sila magpunta.             Bumuntong hininga ako dahil sa mga naisip. Sakto naman nang mapansin ko si Gwen na nasa likuran ng hindi gaanong malagong bushes sa isang tabi sa labas ng cafeteria. Kinawayan niya ako at sinenyasan na lumapit sa kanya. Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy siya sa ginagawa. Hanggang sa nakikita ko na lang ang sarili kong lumalapit sa kanya. Teka, is she hiding here?             “Vacant mo, Aeyz?” halos pabulong niyang tanong. Yumuko siya para mas maayos kaming makapag-usap.             Kumunot ang noo ko pero hinawakan niya ang ulo ko para magawa ko rin na yumuko katulad niya.             Tumango ako. “Ikaw?”             “Hindi ako pumasok sa isang subject.”             Mas lalong nangunot ang noo ko. “Bakit hindi ka pumasok sa isang subject mo?”             “Um, may sinusundan ako,” aniya at tumitig sa harapan. “'Yang lalaking 'yan.”             Napatitig din ako sa lalaking tinititigan niya. Nakikitawa ito sa mga kasama habang dahan-dahan na naglalakad. Papunta ata sila sa cafeteria. Matangkad ang lalaki, medyo chinito, medyo maputi. Nang nilingon ko si Gwen sa tabi ko, titig na titig na siya sa lalaki. Bagay silang dalawa kung nagkataon.             “Sino siya?”             “Boyfriend ko,” sagot niya at nagsimulang humakbang pasunod sa lalaki, kahit na nakatago pa rin sa mga halamanan.             Hindi na ako nagsalita pero nagpatuloy naman siya sa kung ano’ng binabalak. Nagtagis ang mga ngipin niya at nilingon ako. “Kapag nakita natin ngayon ang babae niya, tutulungan mo ba akong manabunot at manggulpi?”             Napaawang ang bibig ko. Tinitigan ko rin ang lalaki at nakitang nagpa-alam ito sa mga kasama. Naglakad na ito paalis. Mag-isa lang. Pero matapos ang ilang saglit, may humabol dito na isang babae.             “Huli kayo,” nanggigigil si Gwen, her eyes were sharply fixed on the two. “Hindi pa talaga nadala 'tong babaeng 'to! Babalatan ko 'to ng buhay!”             Bago pa ako makapagsalita, nakatakbo na siya palapit sa boyfriend niya at sa sinasabi niyang babae nito.             Walang hinintay na segundo si Gwen. Marahas niyang hinila ang buhok ng babae. Napaliyad ito at tuluyang napaupo sa sahig. Matalim na tinitigan ni Gwen ang babae. Pagkatapos, galit na galit niyang hinarap ang boyfriend niya.             “Putangina mo, Dustin!” singhal niya rito. Walang katakot-takot itong nilapitan. Dinuro niya ito at inilalapit ang sarili sa mukha nito para suminghal. “You're a f*****g asshole!”             Nagtaas ng mga kamay ang boyfriend niya. Tumitig sa mga mata ni Gwen bago nagsalita. “Hon, m-mali ang iniisip mo.”             Nanatili akong nakatayo sa isang tabi. Nakita kong nagpagpag ng damit ang babaeng sinugod ni Gwen. Maglalakad na sana ito para umalis─I mean, para tumakas pero hinarang ko siya.             “Are you his other girl?” tanong ko patungkol sa boyfriend ni Gwen.             “Ano'ng sinasabi mo? I'm Dustin's other girl? Heck no!”             Nagmadali itong naglakad paalis. Hindi ko na siya sinundan pa. Base sa pagsagot ng babae, sa tingin ko nagsasabi siya ng totoo.             Sunod kong narinig ang nangigigil na si Gwen. “Argh! Nakakagigil ka! Ang kapal ng mga mukha n’yo!”             “Gwen.” Sinubukan ko siyang awatin nang sinimulan niya nang paghahampasin ang braso ng boyfriend niya. Panay ang pag-angil niya. Binibilang at binabalikan ang mga pagkakataon na unti-unti niya nang nararamdaman na parang niloloko nito pero nanatili siyang bulag na hindi makakita dahil natatabunan ng takot ang isip.             She talked about their hurtful times. 'Yong mga panahon kung paano niya nakita ang boyfriend na may kahalikang ibang babae. At kung paano siya nito hindi sinipot sa mga dates nila.             Marami pa siyang mga sinabi. Pero bilib ako sa kanya dahil ni isang patak ng luha ay hindi ko nakitang lumandas sa kanyang mga pisngi.             Hindi na umangal ang boyfriend niya. Kusa na lang nitong tinatanggap ang mga hampas ni Gwen. Pero nakita ko kung paano napapapikit sa sakit si Gwen sa tuwing tatama ang mga palad niya sa braso at dibdib nito.             Namumula na ang mga palad niya.             “Gwen, tama na. You're now hurting yourself,” pag-awat ko.             “No, Aeyz. I'm gonna hurt this f*****g asshole! I'm gonna hurt him like how he had hurt me. Kung nasasaktan ako ngayon aba't masasaktan din siya! Mas matindi pa sa sakit na nararamdaman ko!”             Nagsisigaw na siya. Nagawa niya nang makaagaw ng pansin. Marami na ang nagkukumpulan sa paligid namin. Nakikitingin, nakiki-intriga sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari.             Pagod akong napabuntong hininga. Hindi ko na alam ang gagawin. Kung hindi ako kikilos at mas lumala pa ang lahat, mapapatawag kami sa head office at paniguradong detention ang bagsak naming tatlo.             “You need to calm down, Gwen. Pag-usapan niyo muna 'to nang maayos.”             Napasulyap sa akin ang boyfriend niya at kitang-kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.             What does he think? Gagatungan ko ang kasalukuyang sitwasyon para mas lalong magalit si Gwen? I wouldn't do that. I'm still sane.             Syempre kakampi ako kay Gwen, pero hindi naman masama na hayaan naming alamin kung sino ang tama o mali. Mangyayari lang ‘yon kapag magkakapag-usap na sila nang maayos.             Pero siguro dahil hindi magawang ilabas ni Gwen ang sakit na nararamdaman, hindi humuhupa ang nararamdaman niyang galit ngayon.             Nanggigigil niyang pinakatitigan ang boyfriend. Matalim at nagngingitngit sa galit ang mga mata. Kulang na lang ay magmaterialize ang galit na nararamdaman niya. Sigurado ako na kapag nangyari 'yon magagawa nitong matupok ang boyfriend niya hanggang sa maging abo na lang ito. Nakakatakot magalit si Gwen sa totoo lang.             Nagsimulang mangibabaw ang mga bulungan sa paligid. Kahit ano'ng gawin ko, hindi ko sila mapatigil. Hindi na gumagana ang mga matatalim na titig na noon ay ginagawa ko para patahimikin ang mga taong usyuso na parang mga bubuyog. Ngayon, immune na ata sila. Tangina.             Ang akala ko, kumalma na kahit kaunti man lang si Gwen, pero hindi. Galit na galit pa rin siya kaya nagawa niyang sampalin ang boyfriend niya. Matapos iyong gawin, isa-isa nang bumuhos ang mga luha niya.             Nilingon niya ako habang humihikbi. “I-I'm sorry for dragging you here in this mess. Uuwi muna ako. Salamat, Aeyz.”             Matapos sabihin iyon, tinalikuran niya na ako. Hindi ko na siya nagawang sundan dahil baka gusto niyang mapag-isa. Ang nagawa ko na lang ay tumango.             Naagaw ang atensyon ng lahat nang mula sa bandang likuran, pilit na gustong dumaan ng isang lalaki para makalapit sa unahan. Nang nagawa niya iyon, sinalubong niya ng tanong ang boyfriend ni Gwen na ngayon ay tulala.             “Pre, ano'ng nangyari? Narinig ko na nagkakagulo raw rito? Ano’ng nangyari?”             Napakurap-kurap ako nang mamukhaan siya. Ang lalaking 'to ang tumigil sa harapan ko kanina at ang bigla na lang na pumingot sa ilong ko.             Nagsalubong ang mga kilay ko at humalukipkip sa kanyang harapan. Inalis niya ang paningin mula sa boyfriend ni Gwen na sa tingin ko ay kaibigan niya at tumitig siya sa akin. Sigurado ako na namukhaan din niya ako.             Naalala niya na ba ang kalokohan na ginawa niya sa akin kanina?             He did. But there's a glint of amusement in his face. He's not even sorry. Nasisiyahan pa ata siya habang pinagmamasdan akong naguguluhan sa harapan niya.             Seconds passed, his lips then slightly curved into a small smile. f**k, this guy's effin weird.             Nanatiling matalim ang titig ko sa kanya. Hanggang sa ako na lang ang sumuko, pero agad naalis ang paningin ko mula sa kanya nang may maaninag na isang pamilyar na taong dumaan sa kanyang likuran.             Naalerto ang buong katawan ko at nabaling ang buong atensyon sa lalaking iyon.             “Heiro! Hintay please!” nagmamadali kong tawag at kumaripas na ng takbo palapit sa kanya. Naiwan kong nakatayo lang ang lalaking nasa harapan ko kanina pero 'di ko nagawang makausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD