MABILIS NA KUMILOS SI EUSTACE. Agad niyang hinarap ang professor na kahit maliit ang katawan, nakakakaba pa rin kung tumingin. Binalingan ako ng tingin ng professor. Halos manlisik ang mga mata niya. Nanlalaki ang butas ng ilong. Kumikinang ang ulo niyang halos mapanot na nang tuluyan. Nang nasulyapan ko ang hawak niyang meter stick at chalk box, naipikit ko ang mga mata. May klase sila ngayon sa AVR. . . akala ko napabooked na ‘to ni Eustace? “Mr. Zarmientos,” bati ni Eustace. “Good afternoon po.” “O, Mirantes,” sabi nito. Nagbaba ako ng paningin at hindi alam kung ano’ng dapat gawin. Hindi ko maikilos ang mga paa ko dahil sa kaba at pagkabigla. Nasa harapan ko si Eustace at may kung ano’ng sinasabi sa professor. Nang naki