HINDI KO NA nagawang kausapin si Eustace. I didn’t have the chance to. Nablanko ang isip ko nang biglaan. Masyado akong naguluhan dahil sa inasta at sinabi ni Heiro. Ang mas nagpatindi ng nangyari ay ang sunod kong naramdaman matapos siyang matitigan ng ilang segundo. Hindi na ‘to normal. When I caught myself staring at him shamelessly, mabilis kong sinita ang sarili ko. Pinahiran ko ang pawis sa noo ko. Pinasadahan ng daliri ang medyo nagulo kong buhok bago nakayukong tumalikod sa kanya at lumabas ng unit. Kulang na lang at takpan ko ang mukha ko dahil sa hiya. Ano na lang ang iisipin niya sa inasta ko? Would he think I am playing some tricks on him again? Then he would ask me again, What is it this time, Aeyzha? Nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa