HINDI AGAD SINIMULAN ni Heiro ang makina ng sasakyan. Tahimik kaming nakaupo sa tabi ng isa’t-isa. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Tumitig siya sa harapan. At ako, natulala na rin habang nakatitig sa harapan namin. Ang totoo, nabigla ako sa kinikilos niya. Parang may hindi ko maipaliwanang. Pero sa kabila no’n, bakit hindi ko magawang hilahin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya? Ramdam ko ang pamumuno ng luha sa mga mata ko. Why is he acting this way? And why am I also acting this way? “The silence is defeaning.” Napalingon siya sa ‘kin. Pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Ibinaba niya ang paningin. It is defeaning, Heiro. It is. Naipikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa kamay ko na hawak-hawak niya. Napatingin din ako