Tanghali na ng makauwi kami ni Mae. Binagsak ko ang aking katawan sa kama, dahil sa hang over, masakit nanaman ang aking ulo. Naparami kasi ang inom ko. Muli kong naalala ang itsura naming dalawa paggising ko kanina. Magkatabi kami at higit sa lahat yakap, yakap niya ako at ganoon rin ako sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha pagtulog pero paggising malatigre ito pag galit.Wala akong maalala sa ngayon na ngyari, pero after few days maalala ko nanaman ang mga pinagagawa ko. Naalala ko nung unang encouter ko sa kanya lasing din ako noon. Pero di nagtagal naalala ko na totoo pala yung hinalikan ko at siya yun. Ito ulit malakas ang kutob ko na nagawa ko nanaman yun. Gawain ko kasi ito nanghahalik ako pag sobrang lasing ako, diko alam ang aking ginagawa.
"Aaah! s**t ano ba pinaggagawa ko mali ito" umupo ako sa gilid ng kama at ginulo gulo ko ang aking buhok, dahil sa diko agad maalala ang nangyari. Tumayo ako saka ako naligo. Pagkatapos kong maligo, pinulot ko ang aking phone tumatawag kasi si Clayton.
"Bakit? Anong kailangan mo?"tanong ko kaagad sa kanya.
" Andito ako sa cebu, saan ka let's hang out dude"
"Di pwede may hang over ako matutulog ako ngayon sige bye"
Pinatayan ko siya agad saka ako nahiga ulit. Laging naiisip kp si Mae at nagfaflash back sa akin ang nangyari sa amin kagabi at kaninang umaga.
Parang akong baliw na nakangiti mag isa. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip may nagdoor bell.
"Sino kaya itong demonyong istorbo na ito. Bumangon ako at tinungo ko ang pintuan ng sala saka ko ito binuksan.
" Surprised!! "nainis ako dahil dumating ang istorbo na ito.
" Anong ginagawa mo rito? Sabi ko gusto ko matulog istorbo"inis na sigaw ko sakanya saka ako umupo sa sofa.
"Bat ang sungit mo father, parang may period ka, saka wow seksi naman ng pari na ito hanep para kang matyo dancer" saka hinimas himas ni Clayton ang aking dibdib at aking legs. Naalala ko wala pa pala akong damit nakatapis lang ako ng tuwalya.
"Puro ka kalokohan, tanggalin mo nga yang kamay mo babarilin ko yan" saka ko pinalo ang kanyang kamay. Pero ang lokong ito nahiga pa talaga sa kandungan ko.
"What are you doing? Umalis ka diyan wag mo akong inaasar papasabugin ko yang ulo mong walang laman"
"Ay natatakot ako, hayaan mo na ako minsan lang naman akong maglambing sa isang legend King, I miss you father King" sabay humahagakgak sa tawa at panay pa talaga ang haplos nito.
"s**t go away! Pumunta ka lang dito para mang asar, bitawan mo nga sasakalin kita eh, bat dika pumunta doon kay Aldrin para siya ang bwisitin mo, hindi ako" ang kulit naman nitong tao na ito.
"Yung taong yun, andun lang sa mga babae niya, pumunta na ako doon kanina sa condo niya kaso iba nakita ko nakikipagbakbakan sa mga babae niya, kahit kailan babaero talaga tao na yun, kaya ikaw na lang ang puntahan ko mas matino ka kaso nagiging masungit kana kagaya ni Leon"
"So, at ako ang pagtitripan mo,umalis ka nga diyan, naalibadbaran ako saiyo"
"Ayaw ko, I miss you nga eh"
"What the hell! Disgusting!" sigaw ko sa kanya habang tinutulak ko siya nakikipagharutan pa talaga itong gago na ito. Nabigla na lang kaming dalawa ng biglang bumukas ang pintuan. Walang nakaimik sa amin dalawa habang hila, hila ni Clay ang tuwalyang nakabalabal sa akin at napasubsob pa siya sa kandungan ko at ako naman hawak ko ang kanyang buhok.
"What are you doing here!" sabi ko pero ganoon parin ang ayos namin ni Clayton. Agad siyang tumalikod saka pautal utal na magsalita.
"Sor--r-y father ihahatid ko lang sana iyong damit niyong pinadry clean ko kanina, sorry po iwan ko na lang ito dito. Saka wala po ako nakita, ituloy niyo lang po yan" saka siya tumalikod.
"Stop right there! Pumasok ka rito, at dahil mo yan sa loob, and mali iniisip mo di kami ganoon, umalis kana nga diyan tignan mo yang kalokohan mo pinagkakamalan tuloy tayo"
Saka ko inayos ang aking sarili.
"Hi there, oh diba ikaw yung kapatid ni April, nakita kita sa kasal nila" sabad ni Clayton.
"Opo, ako po yun, sige mauna na ako"
"Wait, ikaw yung ate niya, wow ganda mo naman"
"Salamat po" saka siya tumalikod. Tumatawa parin si Clayton. Parang natutuwa p siya.
"Kasalanan mo ito, lumayas kana nga habang nakakapagtimpi pa ako"
"Mamaya na dito muna ako" na Para bang isang bata, ayaw niyang umalis. Hanggang sa napilit ko itong lumabas
"Go away, layas" sabi ko saka ko binalibag ang pintuan.
"Teka lang wag mo naman ako ipag tulakan palabas,dito muna ako I'm bored dude please?" binuksan ko ulit ang pintuan.
"Sabi ko na nga ba di mo ako matitiis eh" agad itong pumasok ulit sa loob saka dumaretso sa kusina at binuksan ang reff.
"Wow heaven, ang daming beer hanep ka talagang pari ka" kumuha ito ng dalawa at saka hinagis sa akin.
"Inom muna tayo para mawala yang hang over mo" sabi ni Clayton.
"You're bored right?" tanong ko sa kanya.
"Yes, di muna ako pumasok sa hospital, I need to rest atlis one week bago ako bumalik magtrabaho, but I'm bored as hell, mas mabuti pa yung may ginagawa ako"
"Ok! May pupuntahan tayo mamaya, siguradong di ka mabobored, masaya doon, bilisan mo na diyan at magbihis na ako aalis na tayo after fifteen minutes"
"Saan tayo pupunta siguraduhin mo lang na mag eenjoy ako diyan ah"
"Of course!" pahabol na sigaw ko sa kanya.
****Mae Esguerra ****
"Ano yung nakita ko oh my god! Sino ang bakla sa kanilang dalawa" na shock ako sa nakita kong itsura nila kanina may ginagawa silang milagro.
"Diyos ko, iba na ang panahon ngayon mga gwapo ngagon dina pagkakatiwalaan dahil hanap din nila kapwa lalake, ang sagwa ano ba yan"
Nakakadismaya,pari na nga siya lalaki pa gusto sayang naman, nakaramdam ako ng pagkalungkot.
Ang gwapo pa naman nilang parehas lalo na si sir King sayang talaga kainis, wala na mauubos na ng gwapo dito sa mundo, kung hindi magpapari bakla naman kaloka. Habang naglalakad ako pauwi diko talaga maiwasan maalala ang itsura nilang dalawa kanina. Para akong lutang habang naglalakad. Hanggang sa may nakabanggan ako.
"Aray!" sigaw ko dahil tumama ang mukha ko sa pader.
"Sorry kid are you ok?" tanong nito buti na lang nahawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Ay di pala pader yun abs niya pala ako nabangga" tuminghala ako, natulala ako dahil isang napakagwapong nilalang ang nakabangga sa akin.
"Anong sabi mo? Tinawag mo akong kid"
"Yes, diba your kid right?"
"Nang iinsulto ka ba mukha ba akong bata, I'm twenty nine years old na" inis na sigaw ko sa kanya saka ko siya tinulak
"Oh really I'm sorry" saka siya tumawa.
"Anong nakakatawa" saka ako nakapameywang sa harapan niya.
"Your so cute, and beautiful" saka niya pinisil ang aking magkabilang pisngi.
"Ano ba masakit kaya, saka close ba tayo" sabi ko sa kanya.
Natawa siya bigla, my gosh ang gwapo niya talaga, lalo ng siya'y tumawa. Ang tangkad niya, at mistiso siya.
"Miss are you ok" tinapik niya ang balikat ko. Ako naman bumalik ang matinong isip ko ng tinapik niya ako.
"Wag kang maniniwala sa ganyang itsura Mae, di mo alam lalake din ang gusto" sabi ko sa isip isip ko.
"By the way I'm Troy Howkins and you are" inaabot niya ang kanyang kamay sa akin. At dahil may galang naman ako inabot ko rin ang kanyang kamay.
"Mae Esguerra" ngumiti siya sa akin.
"Nice to meet you Mae, I'll go first I'm in hurry, nextime I will treat you dinner as my apology bye see you next time"
"No worries it's ok bye" saka siya lumakad paalis. Pero bumalik siya ulit.
"Can I borrow your phone,please I Only call my friend, I forgot my phone in my car, can I?" may papungay pungay pa ng mata, ang gwapo niya talaga. Mapapalaban pa ata ko ng English nito.
"Sure!" saka inabot ko kaagad ang aking phone. Saka binalik niya din kaagad.
"Thank you Me, nice to meet you again" sabay abot ang aking phone saka siya umalis bago pa siya tumalikod kinindatan niya muna ako. Ako naman kilig to the max. Pero ayaw ko parin makipag relasyon, ganito lang nagkacrush ako at kinikilig, pero ayaw ko parin, mas gusto kong maging single walang problema.
Habang pauwi ako naisip ko munang dumaan sa simbahan, kung saan unang nakita ko si father King na nagmimisa.
"Kailangan magsimba muna ako, para mabawasan naman ang kasalanan ko kung ano, ano na lang kais nakikita ko eh"
***Everyone POV***
"Oh yess honey that's it! Woh this is heaven I like it, diinan mo pa yes ganyan. The best ka talaga honey!" mga sigaw at ungol ang naririnig sa kwarto ni Aldrin kasama ang kanyang babae.
"Walang hiya talaga itong tao na ito, hanggang ngayon, yan parin ang ginagawa. Di pa siya tapos babaero talaga itong pinsan ni Leon wala silang pinagkaiba, tsk tsk tsk" napailing na lang si Clayton habang nakatayo sila ni King sa harapan ng kwarto nito.
"Lord patawarin mo sana ang aming kaibigan di niya alam ang ginagawa niya, alam kong kasalanan itong ginagawa niya pero, that is a nature" nag sign cross pa si King habang dinadasalan niya ang kaibigan nito.
"Ano pasukin ko na ba?tama na nga yang pagdadasal mo dahil wala rin yan eh isa ka ring demonyo, tignan mo nga may pari bang may nakalagay na baril diyan sa tagiliran diba wala ikaw lang ang nakita ko,baliw!"
"Eh kailangan ko ito lalo na't madalas na ang paglabas ng mga kaaway kaya pinoprotektahan ko lang sarili ko" inis na sabi ni King.
Samantala sa kwarto kung nasaan si Aldrin at ang kanyang kaulayaw sa kama, rinig na rinig niya ang pagbabangayan ng dalawa niyang kaibigan alam niyang andito sila, para istorbohin.
"Damn!! Kayong dalawa lumayas nga kayo diyan! Wag kayong istorbo sa kaligayan ko, alis!!" sigaw nito sa dalawa niyang kaibigan.
"Ah ganoon? Bilisan mo diyan at may pupuntahan tayo" sigaw ni Clayton sa kanya.
"Oh Marisa andito ka pala, si Aldrin ba hinahanap mo? andiyan sa loob ng kwarto tawagin ko ba" malakas na sigaw ni King sapat na para marinig no Aldrin, kahit wala naman ito, gusto lang nila kasi lumabas na siya sa kwarto.
"s**t! Bilisan mo magbihis, at umalis kana, ah hindi magtago ka muna sa banyo" mabilis na kumilos si Aldrin at tinago ang babae niya sa banyo.
"Honey dipa tayo tapos!" maarteng sabi ng babae.
"Saka na lang natin ituloy, tatawagan kita ngyon magtago ka muna diyan, andiyan ang Fiance ko pag nakita ka noon sigurado ubos ang buhok mo at ngipin mo, bilisan mo" mabilis din siyang nagsuot ng short at tshirt saka siya dali daling lumabas sa kwarto. Nadat niya ang dalawa na nakatayo sa harapan ng pintuan.
"Lalabas ka rin naman pala eh gago ka talaga" sabi ni Clayton .
"Akalain mo pangalan lang ni Marisa yung nabanggit halos lumipad na ang kaluluha mo" sabay tumawa si Clayton.
Inis na hinawakan ni Aldrin ang kanyang ulo saka niya binatukan si Clayton.
"It's that funny! Bobo ka talaga" sigaw ni Aldrin.
"Aray, naman bat ka ba nambabatok" inis na hinawakan ni Clayton ang kanyang batok.
Akmang babatukan din sana ni Aldrin si King, pero binunot ni King ang kanyang baril saka ito hinimas himas sa harapan ni Aldrin.
"Subukan mo akong batukan at ng barilin ko yang kaligayan mo" sabay tinutok nito sa harapan ni Aldrin.
"Umalis nga kayo diyan mga istorbo, itago mga nga yang baril mo, dapat dika naghahawak niyan rosaryo at Bible dapat ang hawak mo demonyong pari" saka siya dumaretsong lumakad papuntang sala.
"Bakit? Wala na bang karapatan ang katulad kong humawak ng baril?"
"Tama na nga yan, Magbihis kana at aalis tayo, para di puro babae nag inaatupag mo" sabad ni Clayton.
"Saan ba tayo pupunta, at hanggang dito sa condo ko nang istorbo pa kayo"
"Malalaman mo mamaya, halika na magbihis kana let's have fun today" sabi ni King sabay tulak si Aldrin para magbihis.
"What ever!" tamad siyang lumakad papuntang kwarto para magbihis.
"Labas na diyan at umuwi kana tawagan na lang kita if kailangan" sabi ni Aldrin sa babae niya. Lumabas naman ang babae nakasimangot na lumakad palabas ng kwarto, saka sinundan siya ni Aldrin.
Panay ang ngiti ng babae kina King at Clayton. Nagpapacute ito habang naglalakad.
Binunot ni King ang kanyang Baril.
"Pag dika pa agad lumabas dito babarilin ko ang isang paa mo sweetie, kaya bilis alis na" pananakot nito kaya kumaripas ang takbo ang babae.
"Gago ka talaga isa sa fling ko yun bat mo naman tinakot" inis ma sabi ni Aldrin.
"Tumahimik ka Aldrin gusto mo bang tawagin ko si Tita at ng magpakasal ka ng wala sa oras"
"Tara na saan ba ang punta natin mga gunggong" inis itong lumakad palabas kaya tinawanan na lang siya ng dalawa.
****King Alvarez ****
Dinala ko silang dalawa sa simbahan, diko maitago ang tuwa ko ng makita ko silang parang nabagsakan ng langit.
"Fvck you dude ito ba ang sinasabi mong exciting" inis na sabi ni Clayton.
"Church! Are you kidding me King, saan dito ang masaya, alam mo naman na di ako palasimba na tao, pero marunong parin akong magdasal sa taas di lang halata" inis na umupo si Aldrin sa may bandang likuran.
"Oo dito dito, baka sakaling mabawasan ang kasalanan niyo" saka ko sila iniwan para magbihis ng damit.
Nilingon ko silang dalawa sa ako ngumisi.
"Umayos kayong dalawa diyan, Pinapanood ko kayo" sigaw ko sa kanila.
Habang inaantay ko ang mga taong dumating. Napansin ko ang babaeng nakaupo sa harapan.
"Mae! What are you doing here" sabi ko sa aking sarili. Pinagmamasdan ko siya habang taimtim siyang nagdadasal.
"Father King, ikaw na susunod na magmisa" napalingon ako kaagad ng lumapit sa akin si Father Nick.
"Oo, handa na ako, salamat" sagot ko.
"Kaso Father King, yung dalawang sacristans na mga binatilyo, umuwi na kasi may pasok daw sila, so kulang po ang sacristans sa misa niyo"
"Oh ganoon ba? Walang problema akong bahala, salamat"
"Ah sige mauna na ako father king" paalam nito sa akin.
Ngumisa ako at tinignan ang dalawang mokong sa may upuan. Unexpected dinumog sila nga kababaihan.
"Ano ito, mga artista?" napailing ako kaya lumapit ako sa kanila.
"Kayong dalawa, sumama kayo sa akin" tawag ko sa kanila. Saka ako lumakad, at sumunod naman sila. Pero tumigil ako sa tapat ni Mae, pinagmamasdan ko siyang taimtim magdasal, dina nga niya ako napansin.
"Oh secretary mo King" agad na salita ni Aldrin .
"Oo nga kapatid ni April" sabad din Clayton.
"Shshshsh" tanging nasabi ko, saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa nakarating kami sa silid na pinagbihisan ko.
"Ito, suutin niyong dalawa, bilis wala ng oras" hinagis ko sa kanila ang damit na susuutin nila.
"Ano ito, anong gagawin ko rito" sabi ni Clayton habang tinignan ang damit.
"What the fvck! No way, wag mong sabihin na ipapasuot mo sa amin ito!" inis na sigaw ni Aldrin.
"Exactly, kaya bilisan niyo diyan"
"Are you crazy ihampas ko sa pagmumukha mo itong damit eh" sabi ni Clayton sa kanya.
"Nasisiraan kana talaga ng ulo King, idadamay mo pa talaga kami sa kalokohan mo"
"Suutin niyo yan ngayon din kulang ako ng sacristans ngayon kaya kailangan ko kayo, bilisan niyo diyan"
"No way!" saka binato ni Clayton ang damit kay King.
"Dina ata gumagana utak mo eh, idadamay mo pa kami sa kagaguhan mo"
"Do it now, Clayton, mag insponsor ako sa foundation mo para sa mga bata"
"Really! Ok, bat dimo kasi sinabi kaagad" saka kinuha ang damit at sinuot kaagad"
"Aldrin, papadalhan kita ng artista at model, sa condo bukas na bukas din"
"Sure father King, bagay sa akin ito eh" sinuot din ni Aldrin ang damit.
"Tapos na kayo, bilis sumunod kayo sa akin"
"Tama ba itong ginagawa natin Aldrin?"
"Di ko nga alam eh, parang maisahan niya tayo doon ah" habang kamot kamot nila ang kanilang ulo.
Nagsimula na nga akong nagmisa, kahit magulo ang mga babae ng dahil kina King at Clayton. Habang nagmimisa ako, napansin kong natutulog si Aldrin. Kaya binato ko siya ng bulaklak na nasa tabi ko, agad naman siuang Nagising.
"Magfocus ka nga" bulong ko sa kanya
"Oo na!" inis na sabi ni Aldrin. Habang nagsesermon ako, napansin ko ang dalawang babae na panay ang kuha ng picture sa amin.
Kaya bahagya akong tumigil.
At tinignan ko sila, nang nasa ginta na ako ng pagmimisa ng tumitili sila. Kaya sa inis ko tinampal ko ang nagsisilbing lamesa sa harapan ko. Kaya napatingin sa akin ang mga tao.
"Diba mahigpit kong pinagbabawal ang celphone dito sa loob ng simabahan, anong ginagawa niyo, ioff niyo ngayon din" sabi ko sa kanila,pero di sila sumunod.
"The two of you get out!" nagkatinginan ang mga ito pero seryoso ako.
"Sabi ko labas! Ayaw kong nagmimisa ako na mayroon mga maingay" pero di parin sila nakikinig, kaya mas lalo pa nilang kinukuhanan ng picture si Aldrin at Si Clayton.
Kaya inis akong humakbang para lumapit sa mga babae.
" Di pa baya kayo titigil! Ang ayaw ko sa lahat ay ang iniistorbo ako,now lumabas kayo ngayon din, wag niyong sagarin ang pasensya ko" Kumaripas sila ng takbo at lumabas sa simbahan.
Kaya medyo nanahimik sa loob ng simbaham. Pero eto nanaman umingay ulit, kaya nainis ako. Kaya diko mapigilang mapasigaw.
"Shut up! Pag may marinig pa akong maingay, paluuhudin ko kayong lahat, hanggang matapos ang misa naintindihan niyo" sigaw ko sa loob ng simabahan. Alam na ng mga tao, ang ugali ko pag nagalit ako dahil sa walang nakikinig sa misa. Kaya nanahimik ang mga ito.
"Good! Mabilis pala kayong kausap eh, kayong dalawa magfocus kayo" pamumuna ko kina Aldrin at Clayton.
"Sigurado ka bang pari ka" pabulong sa akin ni Clayton.
"Manahimik ka diyan" kaya nanahimik agad ito. Pinagpatuloy ko ang pagmimisa hanggang sa natapos ito.
"Salamat natapos din, tandaan mo ito King dina ako sasama saiyo" inis na hinagis ni Aldrin ang damit sa mukha ni King.
"Ako din idadamay mo pa talaga ako sa katarantaduhan mo" saka niya hinagis din ang damit sa akin.
Napangiti ako sa kanilang dalawa.
"I'm proud of you guys saka ko tinapik ang mga balikat nila. Naalala ko si Mae diko napansin wala na pala siya.
" Let's go"yaya ko sa kanila. Kaya naglakad kaming tatlo palabas ng simbahan. Habang naglalakad kaming papunta sa pinagparkingan ko ng sa sasakyan ko Napansin ko si Mae na sumasakay sa isang sports car. Ang kinagulat ko ay ang makita ko ang taong mortal kong kaaway.
Kinuyom ko ang aking mga kamao.
"Oh diba si Mae yun ang secretary mo? Napansin pala ni Clayton.
" Wait is that Troy? You're cousin is here King"sabay turo ito ni Aldrin.
"s**t! What are you doing here" galit akong tumakbo para habulin sila.
"Hey are you ok King" nag aalalang sabi ni Aldrin habang sumusunod sa akin.
"Hey dude, bakit ka tumatakbo anong problema" pero diko pinansin si Clayton.
"Bilisan niyo!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Hanggang sa nakarating kami sa sakyan ko kung saan ko pinarking.
"King amo ba nangyayari saiyo? You look intense dude"
"Get in, bilis!" sigaw ko, pero itong si Clayton nagawa pa niya talagang tumayo, dahil naguguluhan din ito.
"I said Get in! Or pasasabugin ko yang ulo mong walang laman"
"Bat ba nagagalit ka huh!" inis ma sagot ni Clayton.
"Damn! Sumakay kana kasi kung gusto mong maiwan dito!" Tinulak ni Aldrin si Clayton sa loob ng sasakyan. Agad ko itong pinatakbo, para habulin sila.
"Fvck! Fvck!" panay ang aking mura habang paulit ulit kong tinatampal ang aking manobela.
"Wag mo siyang idamay Troy magkakamatayan tayo"patuloy kong sinundan ang kotse ni Troy.
"Hey King! Dahan dahan sa pagmamaneho gusto mo bang makuta na natin si San pedro" sigaw ni Clayton.
"Shut up! Ang ingay mo pag dika manahimik diyan babarilin ko yang ulo mo"
"Aba, ikaw pa tong galit" akmang babatukan niya sana si King hinila siya agad ni Aldrin.
"Stop now, makulit ka din eh" pagpipigil ni Aldrin.
"Aba King! Habang tumatagal nagiging kaugali mo na si Leon ah! Gusto mo atang - -"
Tinakpan ni Aldrin ang kanyang bibig, dahil alam nigang nagagalit na ako.
"Tumahimik kana lang, pati ako naririndi na saiyo, ihagis kita palabas ng kotse" inis na sabi Aldrin kaya tumahimik si Clayton .
Mabilis kong pinatakbo at kotse ko hanggang sa naunahan ko na sila at saka ko hinarang ang kotse ko sa dadaanan nila.Tumigil din ang sasakyan ni Troy. Agad akong bumaba, at tinungo ang sasakyan niya. Kinatok ko ito, ng dalawang beses . Saka nagbukas ang bintana, pumunta ako sa kabilang pintuan at saka ko pinalabas si Mae. Nagulat silang dalawa ng makita ako.
"Get out here, and come to me!" sigaw ko sa kanya.
"Sir, king" gulat siya ng makita niya ako. Hinila ko siya kahit nagpupumiglas ito.
"Hey! Relax, long time no see my cousin" dahil sa naiinis ako tuwing ngumingisi siya diko napigilan ang sarili kong kwinelyuhan siya.
"What do you want?" habang nagtitigan kaming dalawa. Lumapit agad sina Clayton at Aldrin. Pero sinenyasan ko sila kaya tumigil silang dalawa.
"Relax, ano ba problema mo, ngayin lang taho nagkita pero bat ganyan naman ang salubong mo sa akin"
"Sir King anong problema, pwede ba bitawan mo siya" sabad ni Mae.
"Shut up, pumasok ka sa kotse ngayon din" utos ko sa kanya. Hinila siya ni Clayton.
"Stay away from her, Troy don't you ever touch her, ako makakalaban mo"
"So kilala mo si Mae, we only friends bakit is she your girlfriend!"
"I said stay away, wag kang mangugulo kung ayaw mong patayin kita"
"Woh! Natatakot ako, cousin wala akong masamang intensyon, gusto ko lang naman na ihatid siya I didn't expect that I saw you here, at ganito ginawa mo"
"Wag mo akong lokohin Troy alam kong bumalik ka rito para manggulo"Kinuha niya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya. Saka ngumisi ito,at bumulong.
" I'm back, your not happy, humanda ka simula pa lang ito"saka siya lumakad paalis at binangga ang aking balikat. Sinundan ko din siya saka sinagi ko ang kanyang likod. Kaya muntik na itong napasubsob.
" Be careful, dahil wala akong patawad sa mga taong kagaya mo, kilala mo din ako mas demonyo pa ako kay satanas pag nagalit, whatch your action and don't you dare to touch my belongings, dahil kaya kitang patayin sa kinatatayuan mo" mga bulong ko sa kanya. Di ito nakaimik at tinitignan niya lang ako bakas sa itsura niya din ang pagkatakot. Pero kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin.