****Everyone Pov****
Nakaupo si Troy sa tabi ng isang kama, kung saan may binabantayan siyang babae.
"Wag kang mag alala, I will make sure Na pagbabayaran niya ang ginawa niya saiyo" magaan niyang hinahaplos ang mukha ng babae habang itoy tulog. Biglang may tumawag sa kanyang phone, pero pinatay niya ito di sinagot. Lumabas siya sa silid kung saan siya naroroon.
Saka niya tinawagan ulit ang tumawag sa kanya kanina.
"Hello anong balita" tanong niya agad sa taong kausap niya sa phone.
"Sir, ok na ang lahat send ko na sa email mo ang information na nakuha ko, at inayos ko na rin ang kailangan mo rito sa pinas ok na ang lahat. Pwede na po kayo bumalik mi mam rito"
"Good!" saka niya binaba ito.
Pumasok siya sa nagsisilbing opisina nito. Saka tinignan ang pinasang email sa kanya.
"Di ako papayag na maging masaya ka, lahat ng saiyo kukunin ko at walang ititira, ipaparamdma ko saiyo kung paano iwanan at saktan ng minamahal" kinuyom niya ang kanyang mga kamao.
"Malapit na tayong magkita mahal kong pinsan, I make sure magiging akin ang babaeng ito na pinoprotektahan mo, wala kang karapatan magmahal dahil kahit kailan wala kang alam sa pagmamahal"
Pagkaraan ng ilang araw umuwi si Troy na pilipinas, wala siyang sinayang na panahon, agad niyang inunang tinarget ang babaeng malapit kay King.
At nagtagumpay nga itoy lapitan siya. Di niya rin akalain na agad niyang makaharap ang pinsan niyang si King.
Di na bago ang lahat kay Troy tuwing maghaharap silang magpinsan laging nagbabanggan, alam niyang di basta, basta natatakot si King. At ang binitawan niyang salita di magdadalawang isip na gagawin niya yun,ng walang takot oh alinlangan man lang.
Sa ngyari kanina sa pagitan nilang magpinsan, nakaramdam ng takot si Troy, pero mas nananaig parin ang kanyang galit. Kaya gagawin niya ang lahat para gantihan niya ito.
Pagkauwi niya sa kanyang condo, di niya mapigilang magalit at pinagsisira niya ang mga nakita niyang gamit.
"Magbabayad ka King, kukunin ko ang lahat saiyo at wala akong ititira sisiguraduhin kong gagapang ka at luluhod ka sa harapan ko. Di na ako makapag antay pa na mangyari yun. Dudurugin kita sa sarili kong mga kamay" sumisigaw at tumatawa si Troy na parang baliw. Pagkatapos niyang sirain ang lahat tinawagn niya ang kanyang mga tauhan.
"Hello, mamayang gabi, oh paglabas niya galing trabaho sundan niyo siya, at alam niyo na ang dapat niyong gawin, maliwanag!" saka niya binaba ang kanyang phone.
"Tignan lang natin kung saan ang tapang mo mahal kong pinsan, sigurado iihi ka sa takot sa gagawin ko saiyo mamaya"
****King Alvarez****
Wala ako sa sarili, habang nasa meeting ako. Lutang ang isip ko, nag aalala ako sa mngyayari.
"Ano ang binabalak mo Troy, alam kong bumalik ka lang para manggulo at diko yun papayagang mangyari" nasabi ko yun ng pabulong sa aking sarili,at diko namamalayan na naputol na pala ang hawak ko ball pen, dahil sa pagkuyom ko sa aking mga kamao.
"Sir! Sir! Sir!!" bumalik lang ako sa katinuan ng niyugyog ni Mae ang aking balikat.
"Oh, tapos na ba ang meeting" saka agad akong tumayo.
"Sir ok lang kayo?dumudugo ang kamay niyo" kinuha niya agad ang aking kamay saka niya pinunasan ng tissue. Pero binawi ko kaagad ito.
"Ok lang ako, ano ba yung sasabihin mo?"
" Kanina pa po kita tinatawag kasi po kailangan nila ang opinyon niyo sa gagawing projects pero di kayo nakikinig parang lutang po kayo, saka dipa tapos nag meeting, saka ang kamay niyo"
"kokonti lang ang sinabi ko, eh haba, haba na ang sagot mo"
"Kasi po wala po isip niyo dito sa meeting na to kundi nasa out of earth ang isipan niyo ho"
"Ok! Meeting dismissed, iset niyo na lang ulit ang next meeting, I'm really tired now" saka ako tumayo at umalis palabas ng meeting room.
Di ako mapakali, nag aalala talaga ako sa mangyari. Hindi maganda ang kutob ko, sigurado ako gumagawa na ng hakbang si Troy. May masama siyang balak gawin laban sa akin,at yun ang diko papayagan. Pumasok ako sa aking opisina, umupo ako sa swivel chairs ko, saka niluwagan ang aking kurbata sa aking leeg.
Saka tinampal ko ang aking mesa.
"Siguradong si Mae ang una niyang target, at diko yun papayagang mangyari, Troy wag mo akong sinusubukan at wag na wag mong gagalawin si Mae hindi lang ako ang makakalaban mo kundi ang bayaw niyang si Leon kung gaano ako kademonyo, siya naman ng hari ng kademonyohan. Kaya kung ako saiyo wag mo ng itutuloy ang balak mo dahil baka di kana sisikatan ng araw"
"Ako ba ang sinasabihan mo ng demonyo huh King!" nagulat ako ng sumulpot si mommy.
"What are you doing here mrs. Lee" agad lumapit si mommy sa aking kinauupuan.
"Nakalimutan mo na ata ang pangako mo sa akin King, na dadalhin mo ang girl friend mo sa bahay, kahapon ko pa kayo inaantay, namuti na ang mata ko sa kaantay! Alam mo bang naghire ako ng catering at pinaghandaan ko talaga ng husto ang pagdating ng aking magiging manugang"tinampal niya ang lamesa, dahilan para magulat ako, sobrang lakas nun, wala parin pinagbago ang lakas ni mommy.
"Mrs Lee! nakakalimutan mo ata nasa territoryo kita remember?"
"So ano naman ngayon! Ako parin ang nagmamay ari sa kompanyang ito"
"Correction, this is mine now, binigay niyo sa akin. Kaya pwede ba wag muna ngayon ang dami ko pang iniisip"
"Mas mahalaga ito kaysa iniisip mo King, oh baka naman nagsisinungaling ka, na dimo talaga siya girlfriend baka binayaran mo lang siya para magpanggap"
"Pwede ba Mrs Lee! Umuwi ka muna naririndi ako saiyo, parehas lang kayo ng secretary kong madaldal"
"Anong sabi mo?" galit na sigaw nito sa akin iba na ang kanyang boses.
"Kasi nakiusap siya na sa susunod na daw na araw, masakit ang ulo niya kaya nagpahinga muna" pagdadahilan ko kay mommy.
"Totoo ba yan? Dika gumagawa ng kwento mo"
"Yes Mrs Lee, this is true, kahit tanungin mo pa siya" tinignan ako ng masama ni mommy.
"Sir eto na po yung pinabili niyong milk tea" na tigilan si Mae at nagtinginan kaming dalawa.
"Patay mabubuking na ako" sinenyasan ko si Mae pero, parang di niya ako maintindihan" si mommy naman tinignan niya ako.
Biglang lumapit si Mae sa kinaroroonan namin ni mommy.
"Hello po mam! Sir ok lang po kayo masama ba ang pakiramdam niyo, masakit t ba ang nguso niyo kanina kapa ngiwi ng ngiwi"
"s**t! Wala na finish na" tinampal ko ang aking mesa saka ako tumayo agad.
"Shup up! Kahit kailan mahina talaga ang utak mo dika ba marunong bumasa ng sign language"
"Ano pong ibig niyong sabihin" naguguluhan na tanong ni Mae. Napapikit ako sa inis saka ko kinamot ang aking ulo.
"Never mine" saka ako ulit umupo.
"Can you explain this King, are you lying to me sabi mo maysakit siya pero sa tingin ko wala naman"
"Pwede mag usap na tayo nextime" sobrang annoyed na ako kay mommy.
"Shup up ka din! Iha, may sakit ka ba?" tanong ni mommy kay Mae.
"Wala na buking na talaga ako, goodluck king". Nasabi ko sa aking sarili.
"Po, wala po akong sakit masigla po ako, si sir King ata ang may sakit" agad na sinabi nito kay mommy.
"King!!" sigaw ni mommy sa akin. Nasapo ko ang aking noo, dahil sa inis ko kay Mae kaya sinamaan ko siya ng tingin. Doon niya lang nakuha ang ibig kong sabihin.
"Mrs Lee kasi--! Teka bat ako nagpapaliwanag saiyo"inis ko rin na sinabi, halos nakakamatay ang tingin ni mommy sa akin.
"Bakit hindi! Ina mo parin ako, I need a better explanation now!!" sigaw ni mommy halos mapatalon si Mae sa gulat.
"Pwede ba umuwi muna kayo tsaka na tayo mausap wag ngayon, may mas importante akong inaasikaso"
She smirk like a demon, Alam ko na masama ang ibig sabihin ng ngisi na yan.
"Ok fine!" na para bang sumusuko na agad ako dahil di rin naman ako mananalo sa kanya.
"Wait lang po!" agad na pumagitna sa amin si Mae.
****Mae Esguerra ****
Nag isip ako kaagad ng paraan para di na sila mag away na mag ina. Diko kasi agad nakuha ang ibig ipahiwatig ni sir King, di naman niya kasi sinabi sa akin kaagad.
Nakakatakot ang ina ni sir King, para siyang kontrabida sa mga drama sa television. Pero pagdating sa aking napakasweet niya. Kaya kailangan makaisip ako ng sulosyon.
Nang makaisip ako kaagad, agad akong pumagitna sa kanilang mag ina na para bang referee sa isang laro.
"Wait lang po!" sabay tinaas ko ang magkabilaang kamay ko sa kanila. Nagulat naman silang pareho at sa akin ang kanilang mga tingin.
"What!" inis na tinignan ako ni sir King.
Tinignan lang ako ng kanyang mommy.
"Mam kasi po, pupunta sana kami doon mamaya sa bahay niyo, kahapon po kasi busy si King. Kaya naisip namin ngayon at para isurprise po namin kayo. Kaso naunahan niyo lang kami" Pagsisinungaling ko sa ginang.
"Oh really, bat dimo agad sinabi iha, pasensya kana huh sa inasal ko" agad na humingi siya ng dispensya sa akin.
"Ok lang po, kami dapat ang humingi ng dispensya" agad niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Nginitian ko naman siya at ginantihan ng yakap.
Samatala si sir King di siya umimik sa amin lang siya nakatingin.
"Totoo ba iha pupunta kayo sa bahay? Naku bat dimo kasi agad sinabi, para tawagan ko ulit ang catering"
"Naku wag na po, kahit ano na lang maluto sa bahay niyo po ok na yun sa akin di po ako mapili" sabay Nginitian ko siya.
"Oh so sweet and understanding, that's why I really like you to be my daughter in law" daredaretso nitong sabi kaya mas lalo akong kinabahan, parang may mali ata.
"Thank you po!" pasasalamat ko sa kanya.
"Di katulad ng iba diyan, wala siyang pakialam sa feelings ko, kahit iiyak na nga ako ng dugo, wala parin siyang pakialam he always ignore me"
Sabay minasamaan niya ito ng tingin si sir King.
"Tama po kayo diyan mam" parang sinusulsulan ko pa ang mommy ni sir King.
"Mrs Lee, sino ba ang anak mo sa aming dalawa, bakit parang siya ang kinakampihan mo at out ako sa usapan niyong dalawa, alalahanin mo anak mo ako" naiinis niyang turan sa kanyang ina.
"At ikaw!" sabay turo sa akin.
"Me!" sabay turo ko sa aking sarili.
"Yes, ikaw sino po nga ba, eh tayong tatlo ang nadito"
"Enough,King wag mong tinuturu-turo ang magiging manugang ko"
"Mrs Lee!!" tanging nabanggit ni sir King.
"What! Alam mo sisiguraduhin mo lang na wala kang tinatago sa akin at pagsisinungaling, pag napatunayan kong nagsisinungaling ka, tandaan mo ito itatakwil kita at tatanggalin ko ang pangalan mo sa family registration understand!" sigaw nito, pero si sir King parang sanay na sa pagbubunganga ng kanyang ina. Kasi habang nagsasalita itong sinusundan niya ang bawat binibitawan na salita ng mommy niya.
"Ok fine, your win let's go back" agad na sabi ni sir King saka ito tumayo agad at tinungo ang pintuan.
"Ok iho the best ka talaga" agad naman na kinuha ng ginang ang aking mga kamay. Sobrang tuwang tuwa ito.
"Teka sir King este King pala, paano pala ung aanttendan mong meeting"
"Hindi na, cancel mo lahat yan..pupunta tayo sa bahay tutal,yan naman ang kagustuhan mo"
Di ako kaagad nakapagsalita, bat diko naisip yun, may meeting pala mamaya.
"Saka alas singko palang naman, pqwde tayong humabol bago pumunta sa inyo"
"May problema ba tayo Mae, if I said we go back now, we go!" saka siya naunang lumabas.
"Hoy King bat mo inaaway si Mae" para silang asot pusa na mag ina.
"Ok lang po mam di niya po ako inaaway sadyang ganyan na po siya nasanay na po ako" pagpapliwanag ko sa ginang.
"Naku napa understanding mo talaga iha,
Hoy! Pagnarinig ko pang sinisigawan at inaaway mo ang magiging manugang ko magdasal kana di kita sasantuhin!. Iha sabihin mo sa akin pag inaaway ka nitong demonyo na ito huh?"
"Po? Sige mam sasabihin ko po sainyo wag kayong mag alala" pilit kong ngumiti at sinulyapan si sir King. Tinignan niya lang kami saka siya naunang lumabas.
"Naku wag mong pansinin yan iha, sadyang pinaglihi ko kasi siya sa sama ng loob" sabi nito saka ako hinila at sumunod kay sir King.
"Iha mommy na lang ang tawag mo sa akin, kasi yang taong yan di ako tinatawag na mommy, please!" bigla akong nahiya dahil nagmakaawa pa ito sa akin.
"Pero mam nakakahiya po baka magalit si King sa akin"
"Hayaan mo siya ako ang may utos mula ngayon mommy na tawag mo sa akin"
Bigla tuloy ako nahiya, paano ko ba ito malulusutan mukhang mahihirapan ako.
"Sige po mom-m-y!" nauutal akong binigkas ang salitang mommy dahil kinakabahan ako.
"Yun! Sarap pakinggan, salamat iha at dumating ka sa buhay ng anak ko, sana mapagtyagaan mo ugali niya, wag kang mag aalala pag binubully ka niya sabihin mo lang sa akin" bigla akong napaisip ano kaya kung gagamitin ko ang mommy niya laban sa kanya,natawa ako ng palihim.
"Bilisan niyo diyan ang tagal niyong maglakad, you're wasting my time" sigaw niya sa amin.
"Aba makasigaw ka eh parang tauhan mo lang kami ah" sabad ng ina ni sir King. Di niya na lang kami uli pinansin nauna na lang siyang bumaba, papuntang parking lot.
NaKarating kami dito sa may parking lot, at si sir King nag aantay na siya sa loob ng kotse.
"So slowly!" naiinis niyang sabi sa amin.
"So! What are you doing? Why you don't open the door car for us, para kang di gentleman"
Natawa si sir King, pero iba ang kahulugan ng tawa na yun parang gusto niya akong lunukin ng buhay dahil sa sobrang inis na niya. Napilitan siyang bumaba sa kotse at pinagbuksan niya kami.
"Thank you!" tinignan niya ako saka nginisian, sabay pasara niyang binagsak ang pintuan ng kotse.
"Hey what is that attitude" sigaw ng ginang sa kanya.
"Oopss sorry nadulas ang kamay ko"
Saka siya pumasok sa may driver seat.
Wala siyang imik habang nasa biyahe kami samantalang kami ng ginang panay ang aming kwentuhan at tawanan. Minsan nga naiinis na si sir King at sabihan niya kaming tumahimik. Kaso di namin siya pinapansin,kaya nanahimik na din siya.
Habang nasa biyahe kami, di mapakali si sir King panay ang tingin niya sa likod at sa side mirror. At biglang sumeryoso na ang kanyang mukha. May kinuha siya sa may gilid ng kanyang inuupuan na itim na bag.
"King what happen?" tanong ng kanyang ina, sumeryoso na din ang itsura ng ginang.
"Fasten your seatbelt, and be ready"
"Sir ano pong nangyayari?" kinakabahan ako sa sinabi ni sir King parang may di magandang mangyayari.
"Sumunod ka na lang iha," sabad ng ginang.
Dito na talaga ako kinabahan ng husto.
Napa sigaw ako ng biglang pinaharurot ni sir ang sasakyan. Parang lilipad na ito sa sobrang bilis ng takbo. Sobrang natakot ako ng husto. Tumingin ako sa may likod ng kotse may mga sasakyan na nakabuntot sa amin.
"Don't look!" sigaw niya sa akin.
Nagulat ako ng nilabas niya ang isang baril sa loob ng isang itim na bag saka niya ikinasa ito,di ako nakaimik agad.
"Who are they King" tanong ng ginang saka may nilabas din siyang baril sa kanyang bag. Kaya mas lalong lumaki ang mga mata ko sa sobrang gulat ko talaga.
"Pamilya ba ng mafia ang mga ito? Bakit parehas silang may baril, si sir King ilang beses ko na siyang nakitaan ng baril. Pero ang ina niya, bakit may baril din siya" para na akong maiiyak sa takot.
"As usual Mrs Lee, sino pa nga ba ang gagawa nito kundi sila lang naman"
"Oh really? Di pa ba sila nagtanda, oh wala talaga silang katanda tanda" sabi ng ginang habang kinakasa ang baril na hawak nito.
"Yes, you want to teach them again?" ngumisi si sir aking habang nakahawak ang isa niyang kamay ng baril.
"Sure, matagal na din akong di nakahawak ng ganito, ah iha wag kang matakot ha ipapaliwanag ko saiyo mamaya, just relax pag nagkagulo just close your eyes walang mangyayari saiyong masama kami na ang bahala ni King" sabi niya sa akin at niyakap niya ako at hinaplos ang aking mukha.
"Don't worry Mae just relax" sabad din ni sir King.
"Paano ako makakarelax eh mga baril na mga hawak niyo para kayong susugod sa giyera"biglang tumulo ang luha ko.
" Shshsh, dont worry iha"pag aayo sa akin ng ginang. Biglang prineno ni sir king ang sasakyan. Dahil dalawang kotse na pala ang nakaharang sa aming harapan.
" s**t! Ano ito pa welcome! "inis na sigaw ni sir King.
" Oh, parang kilala ko ata itong bumangga saiyo, anak so ikaw ang pakay niya" nakangiti pa ang ginang.
Kaya bigla akong naiyak dahil sa takot.
Kaya nagulat silang mag ina.
"Stay here mrs Lee, ako bahala dito"
"Ok iho alam ko naman na kaya mo na yan, babantayan ko ang manugang ko diko hahayaan na may mangyari sa sakanya. Lumabas ang mga armadong lalake sa mga sasakyan nila na may mga dalang armas.
Saka lumabas din si sir King,sa kotse na wala man lang bakas ng takot at nag iisa siya samantala mga kalaban niya ay marami sa harap at sa likod.
"Iha wag kang tumingin close your eyes" saka niya ako niyakap at hinahagod ang aking likod, dahil patuloy parin ang pag iyak ko sa sobrang takot nanginginig ang buong kalamnan ko.
***King Alvarez ***
Lumabas ako ng kotse ng walang alinlangan at hinarap ko mga tao ni Troy.
Yes I know they are Troy's people pinadala niya mga ito para takutin ako or balaan.
Pero sorry siya, dahil di niya ako masisindak never, tignan ko lang kung sino ang susuko sa aming dalawa.
Tinutok nila ang mga baril sa akin, but I never afraid.
"Akala niyo matatakot ako sa pagtutok niyo ng mga baril niyo sa akin.
I am King Alvarez, wala pa akong inaatrasang laban" sabay binunot ko ang aking baril sa aking tagiliran.
"Ano! Pinadala ba kayo ng amo niyong bahag ang buntot? Bat di siya ang humarap dito at kayo pa ang inutusan para takutin ako" nagtawanan lang sila.
"Ang gago nagpadala talaga ng sangkatutak niyang aso, fine ikaw lang ba ang may ganyan alalahanin mo cousin, kung sino ako at ang pamilya ko" nakangisi ako habang nasa harap ko sila.
Nakipagtagisan ako sa kanila ng tingin.
"Sumuko ka na lang wala ka naman magagawa napapalibutan ka namin nag iisa ka lang " sabay nagtawanan ang mga tao ni Troy.
Nginisian ko sila.
"Is that so? But sorry to say I'm not like your boss" sabay pinaputukan ko ang isa sa tauhan niya sa kabilang binti nito. Kaya napasigaw siya.
Dina ako nagulat ng sunod, sunod na ang putok sa likod ko kasi may mga tauhan pa sila sa may likuran.
"s**t mommy, napaka careless mo talaga kahit kailan" sabi ko saka ako tumakbo para makipagpalitan ng putok. Dahil pinaputukan na nila ako. Dahil sa sunod sunod ng pagbaril ni mommy.
No choice, nakipagpalitan na rin ako ng putok sa mga tauhan ni Troy.
"Wooh I miss this!" sigaw ko habang isa isa ko silang pinagbabaril, pero puro binti at kamay lang pinatamaan ko.
Wala akong awa silang pinagbabaril, but I didn't kill them.
Marami ang sumisigaw at nakahandusay sa harapan ko. Wala na dina sila makalaban pang muli. Nilingon ko si mommy wala na din ang mga kalaban sa likod. Napatumba niya lahat. Napangiti ako wala talaga siyang kakupas kupas.
Humarap ako ulit sa mga nakahandusay na kalaban. Pero isang malamig na bagay ang tumutok sa may batok ko.
"Wag kang gagalaw kung ayaw mong pasabugin ko ang utak mo" sabi ng isang kalaban na duguan ang kanyang kaliwang kamay. Pero di ako natakot sa kanya.
"Do it if you can't" sabay ang isang pag alingaw ngaw ng tunog na baril, at bigla na lang siyang bumulagta sa sahig.
"Thank me later my son" sabay inihipan ni mommy ang dulo ng kanyang baril. Kaya napangiti ako.
"Your still good on this Mrs Lee, but thank you, wala ka parin kakupas kupas"
"Let's go iho baka mamaya dumating pa ulit mga tauhan nila"
Sumunod ako kay mommy, at doon ko lang naalala si Mae kaya tumakbo ako sa loob ng sasakyan. Laking gulat ko ng wala na siyang malay.
"What happen to her?" pag alala ko sabay pinaupo ko siya dahil nakahiga na ito sa upuan.
"Don't worry iho, pinatulog ko muna siya para di niya makita ang lahat"
"Mrs Lee! Are gou crazy!" pero nakahinga ako ng maluwag akala ko napano na siya.
"Sige na magdrive kana ako na bahala sa kanya daretso sa villa"
Kaya sumunod na lang ako kay mommy.
"What happen to your people bat di sila dumating"
"Bakit pa eh andito naman tayo, sisiw lang mga yan anak"
"Kahit kailan dika pa rin nagbabago" napailing na lang ako, dahil kay mommy. Ang pinag aalala ko, ano kaya ang sasabihin ko sa kanya pagnagkamalay siya. Sigurado magagalit nanaman siya sa akin. At ang pinag alala ko ng husto baka magsumbong siya kay Leon.
"Naku patay ako nito pagnalaman niyang nasangkot siya sa kaguluhan ko" nasabi ko sa isip isip ko.
"This is your fault Mrs Lee!" biglang sabi ko kay mommy
"What! Ano nanaman kasalan ko" gulat na sabi ni mommy.
"What ever, di naman ikaw ang mananagot sa Leon na yun kundi ako"
Dina lang ako umimik at tinuon ko na lang ang tingin ko sa pagmamaneho.