Chapter Twenty-five Kanina pa nagkwekwento ang mga kainuman namin. Kung paano nagkaroon ng tattoo ang mga ito, kung bakit, at lahat ng mga iyon ay hindi seryoso. "Pinag-practice-an lang talaga kami ni Abrakadabe. Tangina no'n. Gusto pa nga niya ay sa noo ilagay. Parang siraulo naman iyon." "Kaya pumayag kami na sa tagong parte ilagay o kaya sa parteng hindi masyadong obvious." "Bakit A.E.I.O.U?" "Wala siyang maisip na iba. Bobo iyon, eh. Bukod sa pagdra-drawing ay iyong mga letrang iyon lang ang kaya niyang i-tattoo. Na-trauma ata no'ng bata siya sa mga alphabet. Kaya naman iyon lang ang natandaan." Sobrang ingay ng kwentuhan. Iba na ang mga kulay nila. Pulang-pula na dahil sa kalasingan. Si Girly na malakas din uminom ay hindi nakalimot na bantayan ako. Hindi naman kailangan pero iyo