9

1810 Words

Chapter Nine Dumeretso kami ni Chi-Chi sa turo-turo ng matandang halos hindi na maipedal ang bike niya. Huminto na nga, kaya naman hindi na kami sa loob ng palengke umabot. "Pabili po, manong." "'Te, gusto ko ng kikiam at itlog." Tinitigan ko ang paninda ni Manong. "Chi, wala namang itlog dito." "Iyon, oh!" turo nito sa kulay orange na bilog. "Itlog ba iyan? Fried KitKat ata ito." "Itlog iyan, Ate Lily." "Kwek-kwek, neng." Tugon ni tatang na inabutan na kami ng baso. "Ano na iyong sa 'yo? Kikiam at kwek-kwek?" "Opo. Tapos palamig para may pantulak." "Tulak kita d'yan, eh!" "Kota na, 'te. Tinulak na nga ako no'ng bata kanina." Reklamo nito. "Doon sa school namin iyon nag-aaral. Mayaman sila. Pulis ang tatay." "Pake ko." Pero sa isip-isip ko... doon na lang ako babawi sa tatay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD