Jelaine's POV Nang mapagod ako sa kakalakad ay huminto muna ako sa isang malaking bato. Umupo ako ro'n at tahimik na tumanaw sa tila galit na dagat. Lumakas kasi ang alon dahil na rin siguro sa malakas na ulan. Hindi ko alintana ang pagkabasa ko dahil busy ako sa pagtanaw sa karagatan. Dumating ang tanghali ngunit hindi pa rin ako umuwi para kumain. Nanatili ako sa lugar na iyon, mag-isa, nalulungkot at nasasaktan. Hindi naman masama ang loob ko na nakahanap agad ng iba si Gian dahil alam kong deserve niya iyon. Deserve ni Gian ang maging masaya dahil alam kong mabuting tao siya. Sayang nga lang dahil mas kailangan kong isipin ang pamilya ko kaysa sa pag-ibig. Nasasaktan man ako ngayon dahil sa desisyon na ginawa ko, ngunit alam kong lilipas din iyon. Napayakap ako sa aking sarili nang