Chapter 24 WYA

2177 Words

Jelaine's Pov Napangiti ako nang maramdaman ko ang mainit na halik sa aking noo. Gano'n din ang mabining haplos sa aking buhok at braso. Masarap sa pakiramdam ang mga haplos na iyon na tila tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at ang nakangiting mukha ni Gian ang sumalubong sa aking paningin. Ilang sandali akong nawalan ng kibo. Nananaginip ba ako? Bakit si Gian ang nakikita ko? Hinalikan ba niya ako o panaginip lang? Piping usal ko sa isip ko. "Jelainetot, gising na," nakangiting sabi ni Gian. Nang lumayo ito nang bahagya mula sa pagkakadikit sa akin ay doon ko napagtanto na hindi iyon panaginip. Totoong nasa harap ko ito. Ilang kurap muna ang ginawa ko bago tinangkang bumangon pero kaagad din akong napabalik sa pagkakahiga ko nang kumiro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD