Chapter 18 WYA

2190 Words

Jelaine's Pov Lumipas na ang maghapon pero wala pa ring tila ang malakas na ulan kasabay ang malakas na hangin. Basang-basa na ang loob ng aming bahay. Kanina pa ako rito sa kuwarto ko, nagkukulong. Hindi ko kasi kayang pagmasdan si Nanay at Tatay na malungkot na nakatanaw sa labas ng bahay namin. Maging ang mga tanim nilang saging ay nabuwal na rin sa lakas ng hangin. Pagkalipas ng bagyo, tiyak walang matitira sa kanila kun'di ang mga hayop na inuna nilang isilong kanina. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot iyon, si Gian kasi ang kanina pa tumatawag. Kating-kati na akong abutin ang aking cellphone pero pinigilan ko talaga. Hindi ito ang tamang oras para unahin ko ang kilig. Nasa harap ko ang realidad ng buhay, na kung uunahin ko ang pag-ibig walang mangyayar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD