Chapter 27 WYA

2230 Words

Jelaine's Pov NANG araw na iyon ay tila nakawala sa hawla ang mga empleyado ng Resort. Umalis kasi kaninang umaga si Sir George kaya kagulo na at kasali kami ni Lala do'n. Daig pa kasi nito ang cctv sa sobrang higpit kung makabantay. Makita lang na nakatayo ay mapapagalitan na kaagad. Pero thankful na rin ako dahil medyo nabawasan ang pamamahiya nito sa akin simula nang maging close kami ni Gian. Tanging matatalim na tingin na lang ang kaya nitong gawin sa akin at kahit sa ibang mga empleyado ng Resort. Hindi ko rin alam kung bakit parang limitado ang kilos nito sa mga nakaraang mga araw. "Nandiyan na naman ang Prince Charming mo," tudyo ni Lala sa akin. Sinundan ko ang itinuturo ng nguso nito, nakita kong naglalakad si Gian papunta sa kinaroroonan namin. Nasa canteen kami ni Lala ngay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD