Chapter 3 : Presents

2248 Words
GARRIE   Kanina pa sya nakatutok sa orasan at umaasang darating nga si Red sa bahay nya. It was past twelve in the midnight pero wala pa ring Red na dumadating. Dapat sana twenty minutes ago ay nakarating na si Red sa boarding house nya.   Padabog syang umupo sa sofa at tila nawawalan na sya ng gana. Kailangang tanggapin nya ang katotohanan na hindi na talaga darating si Red.   Anyway,hindi na sya naninibago don kay Red. Hindi talaga. Ganon na kasi yon,parang ipinaglihi sa indian dahil mahilig mang indyan. Sigurado syang nagbago na ang isip non kaya hindi nalang ito tumuloy.   Bakit pa ba sya pag-aaksayahan ng panahon ni Red? gayong sa tuwing magkalapit sila ay palagi lang naman silang nag-aaway. Hindi talaga sila magkasundo ni Red kaya naisip nyang imposibleng may mamagitan sa kanilang dalawa.   What if kaya kung lalasingin nalang nya ito at pagkatapos ay pipikotin nya? Pero syempre hindi dito sa bahay nya. Dapat ayain nya ito sa ibang lugar, yong romantic na lugar na hinding-hindi nya malilimutan ang unang karanasan nya. Humagikhik lang si Garrie sa kabaliwang naiisip nya.   Thinking like a woman of experience huh, Margarette Joy. Eh hindi pa nga sya nagkaroon ng seryosong relationship. Meron syang mga naging boyfriend noon sa past,pero ang kadalasan ay tatlong buwan lang ang itatagal ng relasyon nila.   Bago dumating si Red sa buhay nya marami na rin syang naka date na nirereto ng mga kaibigan nya,hoping na matagpuan na nya yong lifetime partner nya bago pa sya mag bente-singko anyos. Pero wala naman ni isa sa kanila ang nagustohan nya kahit nga yong iba ay pursigido sa kanya.   Twenty-five is her target age to get married kasi ayaw nyang matulad sa mga pinsan at tiyahin nya na hindi na nakapag-asawa pag lampas nila sa edad na bente-singko,para kasing nasa lahi na nila yon. Ngayong bente-kwatro na sya parang paliit na ng paliit ang chance nya na makapag-asawa. Kung hindi nya talaga gagawin ang lahat upang makapag-asawa ay tatanda talaga syang dalaga.   Napukaw ang kanyang malalim na pag-iisip nang marinig nya ang mahinang katok sa kanyang pintuan,at sya naman ay biglang nataranta. Huminga muna sya ng malalim at nagbilang muna ito hanggang sampu bago pa nya pinagbuksan ang pintuan.   It was Red,pero mas nangingibaw ang pagtatampo nya kaysa kasiyahang makita nya ito dahil pinaghintay na naman sya nito.   "Akala ko nagbago na ang isip mo" at nagkukuwanri syang inaantok sa pamamagitan ng paghikab nya sabay talikod kay Red.   "Pasensya na..Natagalan kasi ako dahil may..may ano kasi--ikaw ba ang nag decorate sa bahay mo Margarette?" Pag-iiba ng topic ni Red sa una nitong nasabi habang palakad-lakad ito sa sala nya as if surveying her living room.   "Sino pa ba? eh nag-iisa lang naman akong nakatira dito" sarkastikong sagot naman nya.   Inikot-ikot ni Red ang mga mata nito sa sala na pinuno nya ng iba't ibang klase ng decorations dahil yan naman talaga ang naging hilig nya.   "Napuno yata ng dekorasyon itong bahay mo"   Nakita nyang kinuha ni Red ang heart shape throw pillow nya sa sofa habang nakakunot naman ang noo nitong nakatitig sa unan.   Bumaling naman ang tingin ni Red sa magkabilang dingding ng bahay nya."Ano nga pala ang tawag sa kulay nitong dingding mo?"   "Robin's egg blue"   "Well,maganda ang kulay na napili mo" komento ni Red.   "Blue kasi ang favorite color ko" sagot naman nya.     RED   Nakikita nyang magaling naman pala mag-ayos ng bahay si Garrie,napaka organized kasi nito sa kanyang mga gamit. Kahit hindi gaanong kalakihan ang boarding house nya pero malinis naman ito at maaliwalas.   Napansin rin nya ang mga collectible items na nasa loob ng kanyang glass cabinet na puro mga wedding give-aways lang talaga ang naka display nito.   Naisip nyang ganon na ba ka desperada si Garrie? Narinig kasi nyang pinag-usapan sya ng mga kasamahan nila sa trabaho na swerte daw ang mapapangasawa ni Garrie dahil hindi na raw ito gagasta ng malaki sa wedding nila kasi pinag-iponan daw ng maigi ni Garrie ang dream wedding nya. Bakit ba kasi big deal ni Garrie ang pagpapakasal? takang tanong nya sa sarili. Imbis na unahin nito ang kapakanan ng isa pa nyang kapatid na si Jastine.   GARRIE   "Gusto mo ba ng maiinom Vince? Meron din akong slice bread dito at palaman." hindi na nya hinintay pang sumagot si Red at sa halip ay dumiretso sya sa kusina para ipaghanda si Red ng makakain at maiinom."Hubarin mo muna yang jacket mo and feel at home."   "Margarette"   Agad naman syang napalingon sa pagtawag ni Red sa pangalan nya.   "Halika muna dito"   "Ba-bakit?"   Tinawanan lang sya ni Red."Napaka suspicious mo naman"   "Sa totoo lang naninibago talaga ako sayo ngayong gabi" sagot naman nya kay Red.   "Ganon ba?" sabi ni Red at humakbang ito papalapit sa kanya."Naghahanap kasi ako ng pagkakataon na magkausap tayo na hindi nag-aaway."   Nakita nyang kinuha ni Red ang isang maliit na gold box mula sa bulsa nito. Pagkatapos ay kinuha naman nito ang kanang kamay nya at ipinatong nya yong maliit na box sa kanyang palad.   "Ano to?"   "eh di buksan mo para malaman mo"   "Hmmm..sa tingin ko isa lang itong keychain"   Bago nya naisipan na buksan ang box ay niyogyog nya muna ito.   "Ano ba kasi ito?"   "Hulaan mo"   "Alam mo Vince,nong bata ako,kapag may natanggap akong mga regalo galing sa mga ninang at ninong ko,hinuhulaan ko muna yon bago ko pa yon buksan."   "Eh hindi ka na ma su-surprised kung mahuhulaan mo na?"   Nag smile lang sya kay Red.   Humakbang naman papalapit sa kanya ang binata."Bakit hindi mo nalang yan buksan?"   "Kung bubuksan ko na kaagad ito,eh di wala na akong mahuhulaan" Napalunok nalang sya dahil sa sobrang lapit na nila ni Red na halos maamoy na nya ang nakakaadik na scent nito.   Humakbang na naman ng papalapit sa kanya si Red,this time ay sobrang lapit na talaga nila,kung kaya nanlalambot na ang mga tuhod nya."Sige na buksan mo na"   Naisip nya din kung hindi pa rin nya bubuksan ito ay hahakbang na naman si Red papalapit sa kanya at sigurado syang maglalapat na ang mga katawan nila. Natetense na rin sya sa closeness nilang dalawa kung kaya naisipan nyang buksan nalang ito.   Pigil hininga  sya ng pagbuksan nya ang laman ng box.   "Wow"   "Diba nawala yong hikaw mo? kaya yan ang naisipan kung ibigay sayo"   Kinuha ni Garrie yong gold onyx stud earrings mula sa box nito at isinuot nya kaagad."I like it,salamat"   "Uh-uhmm, Hindi lang yan, meron pa akong isa pang gift sayo"   Nagulat naman sya ng ibigay sa kanya ni Red ang isa pang maliit na box. Kumpara sa unang regalo ni Red sa kanya, mas excited syang buksan yong pangalawa. Nang makita nya ang laman nito,nanlaki ang mga mata nya. Isa kasi itong mamahalin na kumikinang na white gold necklace na may opal teardrop pendant,at sa tantsa nya ay nagkakahalaga ito ng higit pa sa sampung libo.   "Pwede bang ako ang magsuot sayo nyan?" tanong ni Red sa kanya while extending his hands to her.   "Sige" sagot nya.   It seemed like an hour habang isinusuot ni Red ang kwentas sa leeg nya. As he fastened the clasp of the necklace,his fingertips grazed upon her neck at parang nangongorente ito sa kanya. While the pendant itself rested at the heart level. Umikot naman sya para harapin si Red at para na rin mapasalamatan nya ito.   "Salamat sa mga napakagandang birthday gift na binigay mo" sabi nya habang hinahawakan nya ang pendant ng kwentas.   "Nagustohan mo ba?"   "Syempre naman"   "So kung ganon,hindi mo na huhubarin ang mga yan?"   "Hindi"   "Kahit pa ba magtatalo tayo?"   "Depende..teka lang ikukuha muna kita ng maiinom."   "Wag ka ng mag abala pa Margarette, aalis na ako."   Panandaling nagkatitigan silang dalawa.   Sya naman ngayon ang humahakbang papalapit kay Red."Gusto mo bang malaman kung ano ang regalo sa akin ni Missy?"   "Wag na"   Ngumiti lang sya ng makahulugan kay Red.   "Im sure naman na ang regalo nya sayo ay yong isa sa mga produkto nya."   "Tama ka at nagustohan ko naman ang binigay nya, pero mas gusto kong malaman kung ano ang opinyon mo" Sabi nya habang kinukuha nya yong regalong binigay sa kanya ni Missy.   RED   Nanigas sya sa kinatayuan nya habang pinapakita ni Garrie ang mga seksing lingerie na bigay sa kanya ni Missy,at ang isa sa mga ito ay yong red see-through na nighty na talaga namang makapigil hininga ang kaseksihan nito.   Diosmio! Parang nakahubad na talaga ang mga nakasuot nyan. Naisip tuloy nya ang nangyari kay Missy sa nakaraang gabi. Muntikan na kasi itong pagsamantalahan ng apat na lalaki kung hindi lang sya dumating sa bar na yon. Ang sinisi nya ay yong napakaseksing suot ni Missy sa gabing yon.   "Ang galing talaga na designer ni Missy noh?" sabi nya at sabay nyang pinapakita ni red ang iba pang design ng lingerie na regalo sa kanya ni Missy.   "Bagay yang red sayo"   "Bagay ba? mas gusto ko yata itong mga pastel na kulay. Sa tingin mo ba,bagay sa akin itong red?"   "At sa tingin mo ba iintindihin pa ng mga lalaki kung ano ang kulay ng mga lingerie na yan?"   Hindi agad nakaimik si Garrie at sa halip ay nagtanong ito pabalik sa kanya.   "Kung sakali lang Vince na bibilhan mo ang iyong girlfriend ng ganitong klaseng damit,ano naman ang kulay at design ang pipiliin mo?" tanong ni Garrie sa kanya in a low seductive voice.   "Kung ako ang tatanongin mo mas gugustohin ko pang wala syang suot na damit kaysa magsuot nyan na parang hubad na rin."   "Kalabisan na ata yang gusto mo" sabi ni Garrie while catching her breath.   "Oh yes" he said walking towards Garrie at hinalikan nya ang dalaga sa pisngi nito.   GARRIE   Talagang nagulat sya sa ginawang paghalik sa kanya ni Red kasi hindi nya ito inaasahan. She almost forgot to breathe ng dumampi ang labi nito sa pisngi nya. Nang makuha na nyang huminga ay bigla namang naglaho si Red na parang bula,and worst iniwan pa sya nitong mag-isa at nakatulala.   Hindi na tuloy sya mapalagay,pabalik-balik nalang syang naglakad sa kanyang sala at di malaman ang gagawin,hanggang sa narinig nyang tumunog ang kanyang cellphone. Pag tingin nya sa caller ay agad nya itong sinagot.   "Hi,nakalimutan ko pa lang mag good night sayo."   Vince. Nasiyahan sya ng marinig nya ang boses na nasa kabilang linya."Nakauwi ka na ba sa bahay mo?"   "Nandito pa ako sa sasakyan ko,mga ten minutes nalang siguro at makakarating na ako sa apartment..ikaw,anong ginagawa mo ngayon?"   "Nakahiga na sa bed"pagsinungaling agad nya."And Im naked,except sa binigay mong necklace." pilyang dugtong naman nya.   "Talaga?"kuryosong tanong sa kanya ni Red.   "Joke. Imaginin mo nalang" pabirong sagot naman nya.   Pero biglang natahimik ang nasa kabilang linya.   "Bakit Vince,interesado ka ba kung nagkatotoo pa yon?"   "Interesado naman talaga ako sayo Margarette kahit sa simula pa lang."   Parang lumundag naman ang puso nya sa tuwa ng marinig nya yong sinasabi sa kanya ni Red at sya naman ay biglang natameme.   "Pasensya na talaga sa mga pang-aasar ko sayo" sabi ni Red,breaking her silence.   "Wala yon...hmm Vince..naniniwala ka bang merong something sa ating dalawa?"   "Siguro,pero magkatrabaho tayo Margarette at--"   "Hindi ko naman hinihingi sayo na pakasalan mo ako"putol nya sa sasabihin sana ni Red."Ang gusto ko lang naman ay ang magkasundo na tayo,yong hindi na tayo palaging nag-aaway."   Nang hindi na sumagot sa kanya si Red,nagpaalam nalang sya sa binata pero hindi pa rin nya ini-end ang call,hanggang sa pinutol na ni Red ang kabilang linya,leaving her hanging.   RED   Pinutol na nya ang tawag at panandalian nyang ipinikit ang mga mata habang nag-aantay nalang syang mag GO ang signal ng traffic light. Naked,except sa binigay mong necklace. Napatawa sya ng maalala nya ang sinabing yon ni Garrie. Tinapatan na kasi ng dalaga ang mga panunukso nya sa kanya,kung kaya ayaw na nyang pumatol nito dahil baka saan pa humantong ang kanilang usapan. She was too smart, too quick at higit sa lahat masyado syang nakakaakit.   Magkaibang-magkaiba lang talaga sila ni Garrie dahil bukod sa hopeless romantic ito na mahilig magpaniwala sa tinatawag nilang wagas na pag-ibig at fairytale romances,sya naman ay kabaligtaran sa mga pinaniniwalaan nya,and he just like to react kaya siguro palaging asar sa kanya si Garrie. Masyado rin kasing vocal itong si Garrie at parang open book na ang buhay nito samantalang sya ay parang isang naka locked na diary na puno ng iba't ibang sekreto.   Ang hiling nalang nya na sana hanggat maari hindi sila magkalapit ng husto ni Garrie, gaya nalang ng ginawa nyang pagdidistansya sa kanya all this time, pero minsan hindi nya maiwasan ang mapalapit sa kanya kahit pa alam nya na darating din ang araw na kamuhian sya nito.   Lumingon sya sa dashboard clock at masusi rin nyang tiningnan ang kanyang rear view mirror making sure na walang nakasunod sa kanya.   He drove across the Jones bridge patungo sa Binondo,hanggang sa makarating sya sa isang bahay na sa sobrang taas ng pader hindi mo aakalain na may bahay pala sa loob. Nakikita nyang umiilaw pa ang opisina nito,kaya naisip nyang baka gising pa ang kanyang Dad. Ang ama lang kasi nito ang nag-iisang tao sa mundo na pwede nyang pagsabihan tungkol sa kanyang trabaho at kay Margarette. Maisasalarawan nya ito na relaxed na nakaupo sa kanyang high-backed leather chair habang nakikinig,nagpapayo,at nagpapalakas sa kanya ng loob. He wished for the thousand times na sana hindi nalang nagkahiwalay ang mga magulang nya,eh di sana palagi syang may isang taong masasandalan sa lahat ng bagay. Pero nangyari na yon at kailanma‘y hindi na nya muling maibabalik pa ang nakaraan.     *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD