Chapter 3

1982 Words
SA tapat ng nakabukas na TV ay ang mahabang sofa na inuupuan ng magkatabing sina Gianna at William. May dalawang sofa naman na hindi gaanong kahaba ang nasa magkabilang gilid ng mahabang sofa at doon sa kanan nakaupo si Diana. Sagot nga pala ni Diana ang mga inumin nila dahil sa ibinigay sa kaniya kanina ni Jack. Maingat naman si Diana kaya hindi ito nabubuntis. Isa pa, nagpi-pills siya. Habang nag-iinuman sa living room, panay ang kuwentuhan ng magkaibigan. Sumasagot na rin paminsan-minsan si William sa mga tanong ni Diana. Madalas na sumusulyap si Diana sa asawa ng kaibigan niya dahil nasa saktong puwesto siya nakaupo. Napapansin na rin ni William ang madalas na pagsulyap at pakikipag-usap ni Diana sa kaniya sa halip na ang kaibigang si Gianna ang kausapin nito. Wala naman iyon kay Gianna dahil wala naman itong malisya at nakikipagkaibigan lang si Diana. "Hon, parang nahihilo na yata ako," wika ni Gianna kay William. Pumipikit na ang mga mata niya at namumula na rin dahil naparami ang inom niya kahit pinipigilan na siya ni William upang hindi malasing. "Tara na. Matulog na tayo sa kuwarto," pag-aaya ni William sa kaniya. "Naku, Jing, kaya mo pa ba?" nag-alalang tanong naman sa kaniya ni Diana. "Sakto na 'to, Ding. I want to sleep na, eh," tugon ni Gianna at niyakap ang asawa. Agad naman siyang binuhat ni William kahit na nakayakap pa siya rito. Tumayo ito at nagpaalam kay Diana. "Matulog ka na rin. I'll clean the mess pagkatapos kong ihatid ang asawa ko sa kuwarto," saad nito at hindi na hinintay pang sumagot si Diana. "Good night, Ding!" saad ni Gianna kay Diana. "Good night!" ganti na rin ni Diana. Nakita ni Diana ang paghalik ni William sa noo ni Gianna. "Ang sweet naman nila," ang nasabi ni Diana sa sarili nang makita kung paano alagaan ni William si Gianna. Sinundan pa niya ng tingin ang dalawa hanggang sa tuluyang makapasok ang mga ito sa kanilang kuwarto. Naisipan ni Diana na manatili na lang muna sa living room dahil naalala niya ang sinabi ni William na babalik ito upang linisin ang kalat pagkatapos nitong ihatid ang asawa. Tumayo siya upang iangat pa lalo ang suot niyang shorts upang makita talaga ang kinis ng mga hita at legs niya. Hindi naman siya gaanong madaling malasing kaya bukas pa rin ang ulirat niya. Bumalik siya sa pagkakaupo at nagtulug-tulugan. Narinig niyang pababa na si William at sinimulan na nitong ligpitin ang mga kalat sa living room. Matapos iyon ay in-off nito ang nakabukas na TV. Lumapit ito sa kaniya upang gisingin siya. "Diana," tawag nito. "Gising na. Lumipat ka na sa guest room," sabi pa nito ngunit hindi siya sumagot. Napailing na lamang si William. Aalis na sana ito nang sinadyang i-stretch ni Diana ang mga kamay niya kaya saktong tumama sa bukol ng shorts nito ang kaliwang kamay niya. "What the f**k!" bulalas ni William sa gulat. "Hala, sorry! Hindi ko sinasadya!" depensa ni Diana nang idilat na niya ang mga mata. Lihim siyang napangiti sa kaniyang isipan. "Sa wakas, tumama rin ang kamay ko," masayang wika ni Diana sa sarili. Sinamaan lang siya ng tingin ni William. In-off na nito ang mga ilaw. "Umakyat ka na sa guest room at matulog," masungit pang sabi nito sa kaniya. "Ang laki mo pala, William," hindi napigilang nasabi ni Diana. Napakunot naman ng noo si William sa narinig. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong nito kay Diana. Tumayo si Diana at lumapit sa lalaki. "Ang sabi ko, ang laki pala nito," pag-uulit ni Diana at humawak sa nakabukol na bagay na nagtatago sa suot na shorts ni William. Tinabig nito agad ang kamay niyang nakahawak doon at napaatras dahil sa gulat sa ginawa niya. Nainis ito sa sinabi at sa ginawa niya. "Baliw ka ba, Diana? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na sambit nito sa kaniya. Nag-iinit na si Diana sa oras na ito kung kaya't sinamantala na niya ang pagkakataon habang silang dalawa lamang ang magkasama sa baba at isa pa'y aalis naman siya kinabukasan. "I want to see it, William," sabi ni Diana at tinulak nang malakas ang lalaki sa mahabang sofa kaya napahiga ito. Bago pa man ito makabangon, mabilis na pumatong si Diana sa ibabaw ni William at saktong tumama ang bukol nito sa gitna ng kaniyang mga hita. Nakaramdam ng masarap na sensasyon si Diana. Pakiramdam niya na kahit hindi pa siya napasukan nito ay parang ganoon na rin ang nangyari. "Umalis—" Hindi na pinatapos ni Diana si William na makapagsalita at hinalikan niya agad ito. Pumiglas naman ang lalaki at tinulak siya kaya nahulog siya sa sahig ngunit nasama rin itong nahulog dahil todo kapit siya rito. Tumamang muli ang umbok nito sa gitna ng mga hita niya kaya napaungol siya. "Baliw ka bang babae ka?" nagngangalit sa galit at pigil ang boses na tanong nito sa kaniya dahil baka magising ang asawa nito at makita sila. Kaagad na bumangon ito ngunit yakap-yakap na niya ito kaya nahirapan itong bumangon. Malakas na pinahiga niya si William sa sahig upang pumaibabaw siya rito. Agad niyang siniil sa halik ang lalaki na pilit na pumipiglas. "Ano ba'ng gusto mo, ha?" galit pa ring tanong nito sa kaniya. Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay gumalaw siya sa ibabaw nito dahilan para mapamura ang lalaki. Aminin man nito o hindi ay may kung anong init na dumaloy sa katawan nito sa ginawa ni Diana. Nagsimula nang tumindig ang p*********i nito. Lihim namang napangiti si Diana sa kaniyang isipan. She kissed him aggressively and to her surprise, he started responding to her kisses. Pinasok ni Diana ang dila niya sa lalaki and he did the same. Parehong naging mapusok ang dalawa sa paghahalikan. Napagtanto ni William na mali ang kaniyang ginagawa ngunit dahil sa nakainom din siya at sa sarap na naramdaman niya ngayon ay tumutugon na siya sa babae. Lumayo nang kaunti si Diana at kinuha ang mga kamay ni William upang ipasok ang mga ito sa loob ng kaniyang suot na sleeveless blouse. Pinahawak niya ang kaniyang mga bundok sa mga kamay nito and she guided him on massaging her mountains. Nang maramdamang kumikilos na ang mga kamay nito ay inalis na niya ang kaniyang mga kamay at hinayaan na niya ang lalaki sa ginagawa. "Yes, ganiyan nga William," nakangiting sabi niya sa lalaki. Naramdaman ni Diana na ipinasok na ni William ang mga kamay nito sa loob ng bra niya at doon nito naramdam ang malalaking dibdib niya. "Enjoying the feeling?" nang-aakit na wika niya sa lalaki at hinaplos pa ang mukha nito. Napangisi ito at nagulat na lamang siya nang magkapalit na sila ng posisyon. "William—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil nakita niyang tumayo si William at umakyat na sa hagdanan. Naiwan siya na nakahandusay pa rin sa sahig. Napaawang ang mga labi niya. Hindi niya inasahang nakapagpigil ang lalaki at iwan siya. Nang tuluyang makapasok na si William sa kuwarto nila ni Gianna, agad siyang humiga at niyakap si Gianna nang patalikod. "I'm sorry, hon," sabi niya sa isip. Muntik na siyang hindi nakapagpigil kanina at madala sa tukso. "Nakakainis ang babaeng 'yon. I can't believe na magagawa niya 'yon sa 'kin kahit na mag-best friend sila ng asawa ko," dagdag pang sabi niya sa sarili. Sa living room, inis namang tumayo si Diana dahil sa akala niya'y kumagat na si William sa ginawa niya, ngunit nagkamali pala siya. Napangiti naman siya agad nang maalala ang nangyari kanina lang. Sobra siyang nasarapan sa paghahalikan nila. Lalo na noong himasin nito ang kaniyang dibdib at ang pakiramdam ng bukol ng lalaki na kumikiliti sa kaniyang p********e. "Imagine, hindi pa 'yon pumasok sa 'kin, ha? Paano na lang kung naipasok na 'yon? I can't wait for it to happen," excited pa niyang saad sa sarili na hindi man lang ininda 'yong sakit na nangyari sa kaniya dahil lamang sa init na nararamdaman niya. Nang nasa guest room na siya, abala siya sa pagtingin-tingin sa social accounts ni William. Nag-download pa siya ng mga photos kung saan mag-isa lang ang lalaki sa larawan. Ni-wallpaper niya ang larawan ni William na naka-selfie na malapad pang nakangiti. Iniisip niyang siya ang nginitian ng lalaki. Kinabukasan, nagpaalam na si Diana sa mag-asawa dahil pupunta na siya sa kaniyang condo malapit sa pagtatrabahuan niya kung kailan magsisimula na siya sa darating na Lunes. "Ihahatid ka na namin, Ding. Narito naman si Manang Neneng kaya may kasama si Greisha," sabi ni Gianna na buhat-buhat ang anak na lalaking si Wyler. "Ayos lang ba 'yon? Baka nakakaabala ako sa inyo, ha?" nahihiyang tugon naman ni Diana. "Aysus! Hindi, 'no! Ano ka ba?" natatawang wika ng kaibigan sa kaniya. Humarap naman ito sa pintuan ng bahay upang tawagin ang asawa nito. "Hon! Tara na! Hatid na natin si Diana!" Lumabas naman si William sa bahay at nagtungo na sa likuran ng kotse upang buksan ito at inilagay ang mga gamit ni Diana. Matapos niyon ay sinara na nito at nagtungo naman sa pintuan ng passenger seat upang pagbuksan ang asawa nito. "Pasok na, hon," dinig niyang sabi nito sa asawa. "Thanks, hon," tugon naman ni Gianna at pumasok na sa loob ng kotse at umupo sa passenger seat. "Sakay na," cold na sabi ni William sa kaniya pagkasara nito sa pintuan ng passenger seat. "Saan? Sa 'yo ba ako sasakay?" nakangising tanong niya kay William. Tiningnan lang siya nito nang masama. Umikot na lamang ito sa kabilang pinto at pumasok na't umupo sa driver seat. Naiwan naman siya sa labas na nakatunganga pa rin dahil sa kasungitan ng lalaki. "Ding! Pasok na!" narinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Gianna na ngayon ay nakadungaw sa bintana at sumesenyas sa kaniya na sumakay na. Tumango naman siya at binuksan ang pinto. Umupo siya sa back seat, sa likuran ni Gianna. Nang ma-out of place siya dahil masayang nag-uusap ang mag-asawa, tumingin-tingin na lamang siya sa mga larawan ng asawa ng kaniyang kaibigan na nasa kaniyang cellphone. "Ano ba itong nangyayari sa 'kin? Bakit ba si William na lang lagi ang naiisip ko mula nang makita at makilala ko siya?" tanong niya sa sarili. "Sigurado akong masisira ang friendship namin ni Gianna kapag nalaman ni Gianna na may gusto ako sa asawa niya," dagdag pa niya sa kaniyang sarili. Itinuro na ni Diana ang daan papuntang condo niya nang tanungin na siya ni Gianna. Hinatid pa siya ng mag-asawa pagdating nila roon. "Thank you sa inyo, ha?" pasasalamat ni Diana sa mag-asawa. "You're always welcome, Ding," responde naman ng kaibigan niya. "Oh, siya! We need to go na. Just contact me na lang if you need anything sa 'min," dagdag pa nito. "I need your husband, Jing," sabi ni Diana sa sarili. Ngumiti naman siya sa kaibigan. "Okay," tipid niyang sagot saka kumawala ng ngiti. Lumabas na si Gianna at sumunod naman ang asawa nitong si William ngunit hinabol ni Diana ang lalaki at hinila niya ito bigla noong nasa may pintuan na ito. Binigyan niya ng mabilis na halik sa labi si William. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni William dahil sa ginawa niya. "Goodbye. See you soon. I hope next time, makita ko na rin 'to at matikman," wika pa niya rito sabay hawak doon sa gitna nito at kumindat pa nang nang-aakit. Tinabig agad ni William ang kamay niya at tinulak siya nito kaya tumama ang likod niya sa pader. "Do it again and you're dead," banta sa kaniya ni William at dali-dali nang umalis. Naiwan naman siya. Napangisi na lamang siya kahit medyo nakaramdam siya ng sakit dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni William. "I know time will come. Bibigay ka rin, William," aniya at sinimulang ayusin ang kaniyang mga gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD