Chapter 2

2152 Words
PANGALAWANG araw na ng pananatili ni Diana sa bahay ng kaibigan niya. Nag-volunteer siyang tumulong sa mga gawain upang may pakinabang naman siya. Nahihiya rin naman siya kahit paano. Nais mang tumanggi ni Gianna ngunit wala na itong nagawa dahil nagpupumilit si Diana. Sina Diana, Manang Neneng at mga bata lamang ang naiwan sa bahay dahil pumasok na sa trabaho ang mag-asawa. Kararating lang ni Manang Neneng kahapon mula sa probinsiya. Maraming tanong si Diana sa kaniyang isipan kung kaya't naisipan niyang itanong ang mga ito sa katiwala ng mag-asawa. "Talaga? Kaya naman pala gano'n na lamang ang trato ni William sa 'kin," wika ni Diana. Nalaman niyang ganoon talaga si William kapag hindi nito gusto ang isang tao. Suplado ito ngunit marunong naman itong makisama at makisabay sa mga tao. Sadyang ayaw lang nito sa mga taong hindi nito gusto. "Bakit naman kaya gano'n? Best friend naman ako ng asawa niya, ah?" reklamo ni Diana. "Hayaan mo na lang, hija. Masasanay rin si William. Kakausapin ka rin niyon nang matino balang araw," tugon naman ni Manang Neneng sa kaniya. Tumango na lamang siya. "Gano'n pala, William, ha? Gagawin ko ang lahat upang kausapin mo rin ako nang maayos," sabi niya sa sarili. Sa hindi malamang dahilan, ayaw ni Manang Neneng sa babaeng kasama ngayon. Hindi rin niya maiwasang masabi sa isip niya na napakawalang-galang magsalita ng babaeng ito. Hindi man lang marunong mag-po at opo. "Hindi ko alam kung paano naging magkaibigan sina Gianna at itong babaeng 'to. Magkaiba sila ng ugali," wika niya sa sarili. Nagpaalam si Diana kay Manang Neneng na aakyat na lamang siya upang pumasok sa kuwarto ng mga bata. Siya na lang muna ang magbabantay sa mga ito habang naghuhugas ng pinggan si Manang Neneng. Inaaliw ni Diana ang mga bata ngunit naiinis siya dahil ayaw siyang pansinin ng mga ito. Hinihila pa ang kaniyang buhok at umiiyak din minsan. *** NAGPUNTA si William sa isang branch ng kanilang restaurant na kamakailan lang binuksan. Nais lamang niyang i-check kung maayos ba ang lahat. Tumunog ang cellphone niya kaya't agad niya itong sinagot. "Yes, Miss Salvi?" bungad niya sa kaniyang sekretarya. "Good morning, Sir. We have a problem." "Okay, let's talk about it in my office. I'm going now," matulin niyang sagot at binaba ang tawag. He drove the way to the main branch of the restaurant. Ang ibig sabihin ng pangalang WAIO Restaurant ay William's All-In-One Restaurant. Ito ang naisipan niyang ipangalan dahil lahat ng klaseng pagkaing hanap ng mga Pinoy ay matitikman dito. Kaya naman marami ang pumupunta at kumakain sa nasabing restaurant. Napakabilis din nitong lumago. Sa kabilang dako, sa bangkong pinagtatrabahuan naman, si Gianna ay maraming pinipirmahang mga dokumento at iba pang mga papeles. Panay din ang pagsagot niya sa mga tumatawag sa telepono. Napansin pa niya ang madalas na pagsulyap sa kaniya ng isang empleyadong si Yuan na matagal nang may pagtingin sa kaniya. Awkward na lamang siyang ngumiti sa lalaki. Hindi naman siya 'yong tipong hindi namamansin dahil mabait siyang babae. Nang magtungo siya sa rest room upang maghugas ng kamay dahil sa kinain niyang snacks ay hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng dalawang babae. Umiiyak 'yong isa habang tinatahan naman ng kaibigan nito. "Sabi ko sa 'yo noon, eh. Marami na akong naging jowa kaya alam ko kung anong klase ang isang lalaki. Unang kita ko pa lang sa boyfriend mong 'yon, may kutob na akong masama 'yon, eh. May pa-propose pa na magpakasal tapos nangangaliwa pala. Naku! Sinasabi ko sa 'yo, Emily. Huwag mo nang ituloy ang pagpapakasal sa kaniya. Baka matulad ka sa 'kin na iniwan na ng asawa. Ewan ko na kung nasa'n na ang hinayupak na 'yon. Bahala silang dalawa ng kabit niya," mahabang litanya ng kaibigan ng umiiyak habang tinatapik ang likod nito. "Tama ka nga, Madel. Sana naniwala ako sa 'yo noon pa lang. Kahit na seryoso 'yong mukha ng ilang lalaki, may tinatago pala talaga silang baho," sabi naman ng umiiyak na ngayon lamang sumang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Napansin naman nila si Gianna na kasasara lang ng gripo. Napapunas ng mga luha ang babaeng umiiyak na si Emily at nag-bow ang magkaibigan kay Gianna. Nagngitian silang tatlo. "Sorry. I don't mean to eavesdrop you two. Don't worry. I won't tell anyone about it," hinging-paumanhin ni Gianna. "Thank you, Ma'am Alvarez," sabi na lamang nina Emily at Madel. *** "WHY don't we try that?" tanong ng lalaking nagngangalang Jack kay Diana. Kagagaling lang ni Diana sa bar kanina at nilapitan agad siya ng lalaki. Inaya siya nito sa bahay ng lalaki at walang alinlangan naman siyang sumama dahil mukha itong mayaman at may itsura rin. Hindi naman siya nagkamali dahil mayaman nga ito. Nasa kuwarto silang dalawa ng lalaki at parehong walang saplot ang kanilang katawan na natatakpan ng kumot. Magkatabing nakahiga ang dalawa sa kama habang nanonood ng palabas. Katatapos lang nila sa mainit na pangyayari. "Nasubukan mo na ba 'yan?" tanong ni Diana kay Jack. "Yeah," matulin nitong sagot at ngumiti sa kaniya. "You?" pabalik nitong tanong. Ngumiti lamang siya at inalis ang kumot na tumatabon sa kanila. Ngumisi sa kaniya si Jack at pinatuwad siya sa kama. Bumangon agad ito at pumuwesto sa likuran niya. She moaned loudly the moment his tongue touched her ass. He did playful things there for a few minutes at tumigil din pagkuwan. Inayos nito ang puwesto sa pagkakaluhod before inserting slowly his hardness into her hole. "f**k! Shit... uugghh..." Napahawak nang mahigpit sa bedsheet si Diana nang magsimula sa pag-ulos ang lalaki. Dahan-dahan muna sa una saka binilisan. Ngunit natigilan naman silang dalawa sa ginagawa nang may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Jack. Dahil sa pagkataranta at naalala ni Jack na hindi pala niya na-lock ang pinto ay dali-dali niyang pinatago sa loob ng closet si Diana. Siya naman ay nagtapis ng towel upang takpan ang ibabang parte ng katawan niya. "Jack?" ang tawag ng tinig-lalaki sa labas ng pinto habang kinakatok pa rin ito. "Someone's looking for you," sabi pa nito. Naiinis namang naglakad papuntang pinto si Jack at binuksan ito. "Sino po siya, dad?" bungad na tanong niya rito na kaniyang ama. "Hindi ko natanong ang pangalan niya," sagot ng ama niya. "She's waiting sa living room ngayon," patuloy pa nito. Napabuntong-hininga siya. "Okay, fine. Lalabas din po ako ngayon," aniya rito. Aalis na sana ang ama niya ngunit napakunot ito ng noo dahil parang may narinig itong kakaiba kanina. "May nangyari ba riyan sa loob?" tanong nito sa kaniya. "Wala po. Sige, magbibihis lang ako." Sinara na niya ang pinto na ikinailing na lamang ng ama niya at umalis na rin ito. Lumabas na rin si Diana sa closet at nagbihis na rin gaya ni Jack. "Sorry," sabi ni Jack. "It's fine," tugon ni Diana. Nagngitian sila at mabilis na naghalikan. Pag-uwi ni Diana ay masaya siya dahil kahit paano ay binigyan siya ni Jack ng pera. Hindi niya inasahan iyon. "Sa'n ka galing, Ding?" bungad na tanong ni Gianna sa kaniya. Buhat pa nito si Greisha. Ngumiti siya sa kaibigan. "May pinuntahan lang ako." "Aysus! Boyfriend mo, 'no?" panunukso sa kaniya ng kaibigan. Tumanggi naman siya agad. "Hindi, 'no. Wala akong boyfriend. Nakipag-meet lang 'yong kaklase ko noong elementary." "Mag-boyfriend ka na kasi, Ding. Mag-asawa na lang pala. Mag-thirty ka na next year," natatawang usal sa kaniya ni Gianna. "Oo na po," ani Diana pero pinalampas niya lang sa kabilang tainga niya ang sinabi ng kaibigan. "Susulitin ko na lang muna itong buhay single ko. Kapag nag-thirty na ako, saka na ako mag-aasawa," saad niya sa sarili. Binalik muna ni Gianna ang anak na si Greisha sa kuwarto ng mga bata. Tahimik namang nagluluto si William dahil wala si Manang Neneng upang gawin ito. Nagpaalam ang katiwala sa kanila kanina na magbabantay muna ito sa kapatid nitong nasa ospital. Marunong at masarap namang magluto si William. Madalas nga nitong paglutuan ang asawang si Gianna. Hindi niya pansin ang pagtitig sa kaniya ni Diana dahil nakatuon siya sa pagluluto. Kinagat na lamang ni Gianna ang ibabang labi dahil sa kaguwapuhan ng lalaking nagluluto. Bumaba ang kaniyang tingin sa puwitan ni William at humanga siya sa katambukan nito. "Ano ba itong pinag-iisip ko? Baka mamaya mapansin na niyang may pagtingin ako sa kaniya?" wika ni Diana sa kaniyang sarili. "Eh ano naman ngayon kung malaman niya? Baka kahit na suplado siya, kakagat 'yan sa alindog ko?" patuloy pa niya sa sarili. Naalala naman niya ang sinabi ni Manang Neneng kanina noong nag-usap sila kaya naisipan niyang magdaldal sa lalaki. "Ang bango, ah? Marunong ka palang magluto?" aniya rito. Nagulat naman ang lalaki nang marinig siya nito. Hindi nito napansin ang panonood niya rito habang nagluluto. Hindi na lang ito sumagot. Bagkus ay nagpatuloy na lamang sa ginagawa. "Ano pala 'yang niluluto mo, William?" tanong ni Diana. Kumawala ito ng buntong-hininga. "Kare-kare, adobo, kaldereta," sagot nito upang tumahimik na siya. Ang mga niluto nito ay ang ilan sa mga paboritong pagkain ng asawa nitong si Gianna. Ngunit hindi roon nagtatapos ang mga tanong ni Diana. Akala nito ay titikom na ang bibig niya kung sumagot ito ng isang beses ngunit nagkamali ito. "Ilang taong kasal na pala kayo ni Gianna, William? Paano kayo nagkakilala?" pangungulit niya rito. Dahil sa pagsagot ni William kanina ay nagkaroon siya ng lakas na usisain pa ito. Nakababa na rin si Gianna at napansin nitong masaya ang kaibigan. "Kinakausap ka na ba ni William, Ding?" tanong nito. Tumango naman si Diana. "Yeah. Tama ka nga, Jing. Masasanay rin si William sa kadaldalan ko. Sumagot na siya, eh. Isang beses nga lang." Natawa pa siya. "That's good, though," tugon naman ni Gianna. Natapos na rin sa pagluluto si William at nakahanda na ang mga pagkain sa rectangular table. Nakaisip naman ng gagawin si Diana at nagbabaka-sakali siyang may mangyari mamaya. "May work ka ba bukas, Jing?" tanong niya sa kaibigan na nakaupo sa tapat niya. "Wala, Ding," sagot naman agad ng kaibigan. Napalingon naman siya kay William na tahimik na kumakain sa tabi ni Gianna. "Eh, ikaw, William?" "Wala," tipid na tugon nito. Napangiti naman si Diana. "That's good. What if uminom tayo ngayon? Last stay ko na rito sa bahay niyo ngayon kasi uuwi na ako sa condo unit ko bukas. So let's enjoy!" suhestiyon niya sa dalawa. "Naku, Ding! Hindi ako umiinom masyado, eh," pagtanggi ng kaibigan. "Ay! Ngayon nga lang tayo iinom, eh. Kahit kaunti lang. Please?" pangungulit naman ni Diana. "She said no kaya huwag mong pilitin ang asawa ko," sabi naman sa kaniya ni William. "If you want to drink, you can drink alone," masungit pang tugon nito. Napanguso na lamang si Diana dahil mukhang ayaw naman ng mag-asawa. "Sige na nga. Basta kaunti lang iinumin ko," biglang pagpayag ni Gianna. Tumingin ito sa asawa. "Inom tayo, hon, ha?" Hindi naman sumagot ang asawa nito kaya nagpa-cute ito upang pumayag. "Ang KJ mo naman, hon," ani Gianna. Wala namang nagawa si William. Dahil mahal ang asawa ay pumayag na lamang ito kahit labag sa kalooban. Lumapad naman ang ngiti ni Diana sa pagpayag ng dalawa. "Okay! Two hours after our dinner," masiglang sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain. "Wow! Ang sarap pala talaga ng luto mo, William!" papuri niya sa lalaki nang matikman niya ang mga niluto nito. Hindi tumugon si William. Ngumiti naman si Gianna. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas muna si William upang bumili ng beer. Inutusan siya ng asawa niyang si Gianna. Naubos na ang wine nila. Beer ang napagkasunduan nilang inumin dahil matagal na raw na hindi nakainom ng beer si Diana. Naisipang mag-shower muna ni Diana. "Baka may kumain mamaya," saad niya sa kaniyang sarili. Nae-excite siya sa maaaring mangyari. Hindi naman talaga niya inaasahang may mangyayari ngunit nagbabaka-sakali lamang siya. Sa isip niya'y madaling maakit ang iilang lalaki lalo na kapag lasing mga ito. Maganda naman siya at sexy kaya puwedeng-puwede. Mahimbing na natutulog ang mga bata ng mag-asawa kaya napagdesisyunan na ni Gianna ang bumaba na matapos niyang mag-ayos. Nasa sofa na rin ng living room si Diana na nakaupo habang nanonood ng palabas sa TV. Inihanda na rin ni William ang lahat habang nagkukuwentuhan ang dalawang magkaibigan. Nagtungo muna si Diana sandali sa banyo. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Gianna kaya nagpaalam muna siya kay William upang sagutin ito sandali. Matapos ang paghahanda ni William ay nagtungo siya saglit sa kusina upang uminom ng tubig. Sakto namang lumabas si Diana sa banyo kaya nakita niya si William sa kusina. Napakagat ng ibabang labi si Diana. "Kating-kati na talaga ako, William," sabi niya sa sarili habang nakatingin sa ibaba ni William. Nakatagilid ito mula sa kaniyang puwestong hinintuan kaya halata ang bukol sa suot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD