Warning: Spg scene. Read at your own risk. Minors are not allowed. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pinapagawa ni Julian ngayon sa akin. Habang nakaupo ako sa kanyang mga hita ay halos mabingi naman ako sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. “Relax,” wika ni Julian. Minabuti kong huwag gumalaw sa pagkakaupo ko sa kanya. “Wrap your hands around my neck,” utos pa niya. “A-ano?” nanginginig ang boses ko habang ako ay nagsasalita. Hindi sumagot si Julian, bagkus, hinawakan niya ang dalawa kong kamay at saka niya ipinulupot ang mga iyon sa kanyang leeg. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t isa. Naaamoy ko ang alak sa kanyang mamula-mulang labi. Bumaba ang titig ni Julian papunta sa labi ko, pagkatapos ay pabalik muli sa aking mga mata.