Hindi ko alam kung bakit kumaripas ako tumakbo papasok sa banyo pagkatapos kong makabanggaan si Julian. Ni hindi sumagi sa isip ko na naririto rin siya sa college reunion party na ito. Hindi ko naman alam na magka-batchmates sila ni Sean. Pumasok ako sa isang cubicle ng restroom at pagkatapos ay hinubad ko ang mga sapatos dahil muntik na akong matapilok kanina kakatakbo. Ibinaba ko iyong takip ng toilet bowl at umupo doon habang hinihingal. Naisipan kong magpalipas muna ng oras sa banyo dahil baka naghihintay si Julian sa akin sa labas. Inabot ako ng halos thirty minutes sa loob. Nang maisipan kong lumabas ng banyo ay sumilip muna ako sa bungad ng restroom para hanapin si Julian. Nang mapagtantong wala na siya sa paligid ay saka ako lumabas ng restroom at bumalik sa mesa kung saan nak