Napaupo ako sa kama dahil sa panlalambot ko. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa stress at pagod sa nangyayari sa buhay ko. Hinila na lamang ni Julian ang kamay ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin ngunit nakakagaan ng loob ang yakap niya. “Shh… it’s okay. I’m here,” wika ni Julian habang inaalo ako. Hinahaplos niya rin ang likod ng aking ulo. Mas lalo lamang akong naiyak dahil sa pagbibigay atensyon ni Julian sa akin ngayon. Para akong bata na gustong magsumbong at ilabas ang lahat ng hinanakit at paghihirap ko sa sitwasyon na kinaroroonan ko. “Sit here.” Iginiya ako ni Julian paupo sa edge ng kama habang inaalalayan niya ako. Pinabayaan niya lamang akong umiyak habang tahimik niya akong