Hindi ako nakatulog pagkauwi ko sa bahay kagabi galing trabaho. Hindi rin ako tinawagan ni Sean kaya hindi kami nagkita kaninang umaga. Alam ko namang galit siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya kagabi sa balcony. Masisisi ba niya ako kung tanungin ko siya tungkol sa mga susunod niyang mga challenge? Hindi kasi talaga nawala sa isip ko yung mga hinuha ni Jenna. Masyado akong napokus sa pangangailangan ko ng pera kaya pumayag ako sa deal ni Sean. Ni hindi ko man lang naisip iyong mga susunod na mangyayari. Although aware naman ako na nakasalalay ang pagkab*bae ko sa mga pinasok ko ay tinuloy ko pa rin. “Ang aga mo, ah. Tulala ka pa diyan. May problema ka, ‘no?” wika ni Loisa sa akin nang pumasok sila sa personnel room ni Jenna kung saan ako nagpapahinga. Nakahiga ako sa isa