Nakatitig lamang ako sa tissue kung saan nakasulat ang phone number ni Sean habang nakahiga sa kama katabi ang kapatid kong si Deon. “Kanina mo pa tinititigan ‘yan, ate. Baka mabutas,” wika ni Deon habang nakaupo siya sa maliit na mesa sa gilid ng kama namin. Nakatuon siya sa kanyang binabasang textbook. Kanina pa niya ginagawa ang kanyang homework simula kaninang paguwi ko galing sa trabaho. Binaba ko ang tissue at tumingin kay Deon. “Kanina ka pa nagbabasa diyan at gumagawa ng homework.” Tumayo ako at bago pa maisara ni Deon ang libro ay nakita ko ang kanyang binabasa. “Aha! Sinasabi ko na nga ba! Saan mo nakuha ‘yang sexy magazine na ‘yan?” Namumula ang buong mukha ni Deon dahil sa hiya. “H-hiniram ko lang sa kaklase ko kanina. W-wala kasi akong pambili, eh. Hiniram ko ‘to kasi wala