“I’m going to warn you, Den,” wika ni Wade. Siya iyong unang pumuna sa amin ni Sean kanina. “Huwag kang magpapaniwalang masyado kay Sean. Marami nang babae ang umiyak sa kanya,” dagdag pa niya. Hindi ako umimik sa sinabi ni Wade dahil hindi ako interesado. Oo na’t gwapo si Sean. Sa katunayan, silang tatlong magkakasama ay matikas at magagandang lalaki. Pero hindi iyon ang pinasok ko dito sa trabaho na ito. “Guys, silent type yata si Den,” wika ng isa nilang kasama na katabi ni Wade. “Ken, hindi mo ba alam na ‘yong mga tahimik na babae, sila ‘yong wild sa—“ hindi ko na pinatapos pang magsalita si Sean dahil tumayo ako at sinampal siya ng malakas. “Huwag mo akong bastusin,” seryoso ngunit pagalit kong sambit kay Sean. “Hindi ako pumasok sa trabahong ‘to para pagtawanan ninyo ako!” Ramd