Nakatitig lamang si Sean sa akin pagkatapos kong magsalita. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya para maramdaman niyang hindi ako nagbibiro at sincere ako sa sinabi ko. “What’s gotten into you?” pagtataka ni Sean. “Basta. Mag-usap tayo mamaya pagkatapos ng party,” wika ko. “I have time now. Maya-maya pa naman magsisimula yung intro ng party. Tell me.” “Ipakilala mo na ako sa pinsan mong bachelor na katulad mo para malaman mo kung ano yung gusto kong sabihin sayo.” “Susulpot rin yon mamaya,” ani Sean. Sakto namang mayroong isang buong pamilya na paakyat sa magandang hagdan sa entrance ng mansyon kung saan kami nakatayong pareho ni Sean. Kahawig ng bahagya ni Sean iyong sa tingin ko ay ang ama ng pamilyang iyon. Napaka-elegante nilang tingnan sa kanilang mga kasuotan at s