KABANATA 7

2959 Words

“B-BOYFRIEND?!” Gulantang si Tita. Halatang hindi siya makapaniwala sa ginawang pagpapakilala ni Sir Luciel. Maging ako man ay gulat din sa sinabi niya. Nakangiti lang siya at lumapit kay Tita. Inabot niya ang kamay nito at nagmano. Tumingin si Tita sa akin. Nakaawang pa rin ang kanyang labi dahil sa pagkabigla ngunit ang mga mata niya ay tila nagtatanong ng kumpirmasyon sa sinabi ni Sir Luciel. Napangiwi na lamang ako. Hindi ako sigurado kung tama bang itanggi ko iyon. “P-Pasok kayo!” paanyaya ni Tita. Tiningnan pa ako sandali ni Sir Luciel bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin dala ang mga kahon kung saan naroroon ang mga pinamili ko. Pinauna ni Tita si Luciel pagpasok ng bahay habang ako ay hinihintay niya. Agad niya akong hinawakan sa braso at hinila papalapit sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD