AKALA ko matatapos doon ang mga pagsubok sa amin ni Luciel, ngunit sa pagkikita namin ng kanyang ama ay roon pa lamang pala ang simula. Naglalakad ako papasok sa trabaho nang maramdaman ko na para bang may nagmamasid sa akin. Tumigil ako at iginala ang aking paningin, wala naman akong nakitang nakatingin sa akin. Lahat ng taong kasabayan ko ay abala sa kanilang mga ginagawa o hindi kaya’y sa paglalakad. Bumuntong-hininga ako, sa tingin ko ay masyado akong nag-iisip ng kung ano-ano. Siguro naman kahit gaano kaayaw sa akin ng dad ni Luciel, wala naman siguro itong gagawing masama sa akin. Tinanggal ko ang kaisipang maaaring may nagmamasid o nanunuod sa bawat kilos ko at nagpatuloy sa paglalakad. Binilisan ko na lamang nang sa ganoon ay makarating na ako sa hotel. Binati ko ang ilang katr