WE rarely see each other due to our busy schedules and…distance. Nasa Manila si Luciel at ako naman ay naririto sa Batangas. Abala ako sa school dahil balik eskuwela na at siya naman ay sa trabaho. Ganunman, hindi namin nakakalimutan na mag-usap kapag may oras at sa gabi ay tinatawagan niya ako—video call at most. Madalas ako ang nakakatulog at doon lamang natatapos ang tawag namin sa isa’t isa. Napatingin ako sa singsing na nasa suot-suot ko. It was given to me by Luciel noong huling araw namin na magkasama. The memories of that day were so vivid to me, like it was only yesterday. Napangiti ako. Nagkaroon kasi ng kasal sa resort nila. It was actually a beach wedding. Naisipan namin na manuod kahit na hindi naman kami invited. Wala lang. Nagustuhan ko lang na sumilip sa nangyayaring beac