HINDI ako makatingin sa kanya. Sinagot ko na si Luciel pero nahihiya akong tumingin sa kanyang direksyon. “What did you say?” tanong niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pang muli. Ngumuso na lamang ako habang nanatiling nakayuko. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahan itong iniharap sa direksyon niya. Abot-abot ang tahip ng aking puso na hindi ko na alam anong una kong dapat maramdaman. “Sabi ko sinasagot na kita. Boyfriend na kita, Luciel. Anong pagpapaliwanag pa ba ang gusto mo—” Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita dahil agad niya akong siniil ng halik. Mulat pa ang aking mga mata noong una dahil sa pagkabigla, ngunit kalauna’y nadala na naman sa sitwasyon. Napasandal ang aking likod sa may mesa. Naramdaman ko ang paggalaw nito nang lalong idiin ni Luciel ang sarili sa