CHAPTER 2

2018 Words
CHAPTER 2       YAKAP ni Yza ang mga bed sheets, kurtina, pillowcases at comforters habang nakatayo siya sa may tapat ng pinto ng kwarto ni Adam pero hindi niya magawang kumatok. Juskopo. Nanginginig ang kamay niya kahit hindi naman siya pasmado. Ninenerbyos s’ya at ‘di niya alam kung bakit. Bakit naman kasi iba ang kulay ng mata ng amo nila at ang misteryoso pa? Ngayon tuloy ay hindi normal ang pintig ng puso niya. Hindi pa man lang s’ya nakakapasok ay kinakapos na s’ya kaagad ng hininga at napasinghap s’ya nang biglang bumukas ang pinto. Nahawakan niya nang mahigpit ang rod extension ng hoover nang magkatinginan sila ng amo niya at binundol na naman ng kaba ang dibdib niya nang makita na nakatapis lang ito ng twalya sa baywang. Napayuko s’ya ng mukha. Ano ba namang laswa ng walang hiya? At first thought, she wanted to turn her back and run away but she was pinned right from where she stands. “Get in.” ani Adam sa kanya sa may kapormalan na paraan at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Natatakot man s’ya ay sumunod pa rin si Yza. Hindi naman siguro siya nito gagawan ng masama. Pagkapasok niya ay kaagad niyang pinagana ang aparato para linisin ang sahig nang marinig niya na lumapat na ang pinto sa hamba at pati na ang lock. Juskopo. Ramdam niya na may nakatitig sa likod niya pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Ayaw niyang magpakita ng nerbyos sa amo niyang sinalo lahat ng kagwapuhan sa mundo. “Don't be tensed. I don't bite—hard.” sabi pa nito sa kanya kaya napaangat s’ya ng mukha para tingnan ito. Walang ngiti pero iba ang kislap ng mga mata ng binata kaya para tuloy lalo s’yang kinabahan. Ewan ba niya pero simula kasi nang makakita siya ng lalaki na matiim kung tumitig sa tapat ng apartment nila ay lagi na s’yang takot sa mga lalaking katulad niyon kung tumingin. Nilagpasan lang naman s’ya ni Adam at pumasok yata sa walk in closet kaya parang nabawi niya ang hininga na kanina pa nakabitin sa ere. Sinimulan na niya ang trabaho para naman maktapos na kaagad s’ya at makalabas na sa kwarto na iyon pero sobrang bango sa loob at alam niyang hindi iyon air freshener. Amoy ‘yon ni Adam, alam niya. She smelled him when they bumped each other this morning and she already memorized his familiar manly scent which can make every woman lose all senses. Kaagad niyang binalikan ang puntuan matapos na mailapag ang mga telang pamalit sa mattress. Tinanggal niya ang pagkaka-lock ng pinto. Buti na ang sigurado kahit na parang asyumera ang labas n’ya. Maya-maya ay lumabas na ulit ito at salamat naman dahil naka pantalon na si Adam at fitted dark blue sweatshirt. Lalong litaw na litaw ang kagwapuhan nito dahil sa damit na suot. He has broad shoulders, and his chest is too exposed, na parang ang sarap yumakap. Ewan! Kung anu-anong pumapasok sa kukote niya tuloy. Para na s’yang baliw. “Why are you wearing pajamas? It's daytime.” usisa nito nang maupo sa single couch at may dinampot na papel sa ibabaw ng center table.  Dume-kwatro ito at relax na sumandal sa sofa. He started to turn the papers in his hands but his eyes are following her wherever she goes. Nirelax na muna niya ang sarili bago sumagot. Wala naman yata s’yang dapat na ikatakot dito.  Sana kung may balak ito, ‘di sinunggaban na s’ya kanina pa. Saka hello? Feeling beauty queen Yza? Ay ‘yong beauty queen nga pinalalayas niya. Ikaw pa ba? Asik niya sa sarili. “Komportable po ako rito kahit araw.” pagsisinungaling niya pero ang totoo ay talagang nag-pajama s’ya bago umakyat kasi gusto niyang itago ang sarili niya mula sa mga mata nito. Sana nga lang kung pwede ay semento ang idadamit niya pero sa apartment ay mga maong at dolphin shorts ang suot niya at mga sando na maninipis ang tela. Napalunok siya ng laway nang parang mapansin niya na hindi ito naniwala sa sinabi niya. “Really?” lalong naging matiim ang titig nito sa kanya kaya naglakad s’ya papunta sa may pinto ng terrace nito para lang makaiwas. Paano ba niya sasabihin ang pakay niya kung ganito na 'di matanggal ang kaba niya sa lalaki? Gusto niya kasing ipagpaalam ang lola niya para mapatinginan sana sa duktor kaso baka sungitan s’ya ng señorito Adam niya. Napapabuga na lang tuloy s’ya ng hangin. Nag-iisip siya, kasi ang sabi ng ate Perla niya ay wag daw kakausapin kapag hindi kinausap. O ‘di paano naman? Alangan naman na isingit n’ya ang problema niya kapag nagsasalita iyo, ay  ‘di ang layo naman ng sagot niya. Para naman siya noong tanga. Kanina pa siya paroon at parito at ‘di niya napansin na ang pinaghihigupan ng vacuum ay iisang lugar lang. “There's something bothering you. What is it?” biglang tanong nito na nagpatigil sa pagkilos niya. Napatingin s’ya kaagad sa binatang amo. Kanina pa yata s’ya nito pinagmamasdan talaga. Hindi s’ya dapat mag-deny pa. Ito na ang tamang oras para sabihin niya. Lakas loob na pinatay niya ang vacuum at humakbang palapit kay Adam. Tumayo s’ya sa may harap ng binata pero nakatungo. “S-Señorito--” usal n’ya pero 'di niya natapos. “Look at me.” he demandingly commanded. Sumunod naman si Yza kahit parang hihimatayin na yata s’ya. Ewan niya ba pero kasi ngayon pa lang s’ya nakakilala ng ganitong lalaki na ang talim ng titig sa kanya bukod pa roon sa lalaki na nakatira sa tapat ng apartment nila ni Tiffany na hindi niya naaninag ni mukha man lang ng lalaki na ‘yon. She bites her lip before she speaks. “P-Pwede ko po bang ipaalam si Lola na ipa-check up sa duktor?” tanong sa binata. “Our family doctor is coming but it's just for minor check ups. Do you want Manang to undergo some lab tests?” umangat ng kaunti ang magagandang kilay nito kaya tumango s’ya. “Pwede po ba? S-Saka po ano, pwede po ba na gagawin ko na lang ang trabaho ni lola ay kapag po umuwi na ako galing sa school. Hanggang 4:00 PM lang naman po ang klase ko kaya pwede pa po akong magtrabaho kahit hanggang nine pm. Tapos po ano… pwede ko na po bang makuha ang sweldo ni lola para may pampa-check up po ako sa kanya?” parang nahiya pa s’ya sa huling tanong niya. Kaysa naman mag-pretend s’ya na may pera s’yang pampa-gamot pero ang totoo ay wala. Mabuti na ‘yong magpakatotoo s’ya. Nakatitig lang ito sa kanya at ang buong akala niya ay hindi na ito magsasalita. “RDLMH, diyan mo na dalahin si Manang. Libre na ang medical check up d'yan. Tatawagan ko na lang ‘yong desk assistant, so you won't have any trouble. And about the salary, yes you may.” anito sa kanya at tumaas pa ang isang sulok ng labi nang kaunti habang s’ya ay napangiti nang malaki. “Talaga po? Thank you po Señorito Adam!” bulalas niya pero nakatingin lang ito sa kanya at naningkit ang mga mata. Hindi naman ito parang galit. Parang ngumiti kamo ang mga mata kaya parang lalong pumogi pa. Tatalikod na sana s’ya pero nagsalita ito ulit. “What's your full name again?” tanong pa nito kaya pumihit ulit s’ya. Hindi naman pala ito mas’yadong nakakatakot. Tama nga yata ang Ate Perla niya na mabait naman ito at medyo may pagkatahimik lang. “Elyzabeth Alexa po.” aniya rito at tumango lang naman ito sa kanya kaya bumalik na s’ya sa nililinisan niya. Dahil sa katuwaan ay hindi na tuloy maalis ang ngiti niya hanggang sa palitan na niya ang bed sheet ng kama ni Adam. “P-pwede pong sumampa senyorito? ‘Di ko po ka--” hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tinanguan na s’ya kaagad nito. Nailang pa s’ya dahil habol tingin na naman s’ya nang umakyat s’ya sa kama at nagulat pa s’ya nang may pumasok na lalaki sa loob ng kwarto na salubong ang mga kilay. Nangunot ang noo niyon nang makita s’ya. “Bata na ba ang nahihiligan mo ngayon?” kaagad na tanong niyon kay Adam na relax naman na nakaupo sa couch. “Don't tell me ikaw hindi, ikaw ang nakasal sa bata tapos ako ang sasabihan mo. We're even. What brought you here?” tanong ni Adam sa bagong dating. Sa tingin niya sa mga ito ay mag-susuntukan maya-maya lang. Parehas na maangas ang dating at mga bossy. Parehas mga gwapo at walang maitulak kabigin sa dalawa na malamang kung sabay na manliligaw sa isang babae ay sasabihin ng babae na sana ay dalawa ang puso niya. “Adam, may reklamo si Arianna Hidalgo sa istasyon. Attempted r**e!” bulalas ng bagong dating kaya natutop n’ya ang bibig. Parang gusto niyang tumakbo papalabas pero hindi niya magawa. Hindi tuloy niya alam kung anong gagawin niya. Kung pwede sana na mabingi na lang s’ya ng mga sandaling iyon ay hiniling na niya. Tumingin sa kanya si Adam kaya lalo s’yang nataranta. Binilisan niya ang pagpapalit ng kubre kama para makaalis na s’ya. Hindi na nga dapat s’ya naroon pa kaso ano bang magagawa niya? “Hindi ko kailangan manggahasa para makatikim ng babae, Ghuix.” simpleng sagot nito na gusto niyang ikaantanda ng krus. “Adam, wag mo akong lokohin. Alam ko na gusto mong makaganti. I'm warning you, nonbailable ang rape.” nameywang ang lalaki sa may tabi ng couch ni Adam habang nakatunghay sa binata na tila wala namang pakialam. Bossy iyon at may baril sa tagiliran. Hindi niya alam pero parang pulis ang hitsura ng bisita. “Fine. Murder anyways, I can just kill that bitch.” Sabi pa ni Adam kaya tuluyan na s’yang nanginig lalo nang dumilim ang anyo nito. Dinampot niya nang sabay-sabay ang mga labahan. Hindi na s’ya makakatagal sa loob ng kwarto ng señorito niya. Jusko! Paano bang nabubuhay ang ganito kagwapong lalaki sa mga masasamang gawain? Gusto niyang itanong ‘yon. Nataranta lalo s’ya nang mapansin niya na tumayo mula sa couch ang binata at lumakad papalapit sa kanya kaya mabilis s’yang bumaba sa kama at napatid pa s’ya sa nakalaylay na comforter kaya imbes na makaiwas ay sa katawan ni Adam ang bagsak niya. “Ay!” hindi nga s’ya tuluyang humalik sa semento pero sa dibdib naman nito halos s’ya mapahalik. Napatingala pa s’ya at nandoon na naman ang isang nakakatakot na ngiti ni Adam habang nakatutok sa kanya ang mga mata. Napaigtad s’ya kaagad nang maramdaman ang mga palad nito sa may siko niya at ang isa ay sa gulugod. “L-Lalabas n-na po ako.” paalam pa niya pero di na niya ito hinayaang sumagot. Tuluy-tuloy s’ya at kahit na ang bisita nito ay nilagpasan niya. Ghuix daw. Rapist ba ang amo niya? Ang pogi naman nitong r****t. Ano bang mga de Lorenzo ito? Parang ang daming tinatagong mga misteryo. Mga basagulero yata ang pamilya ni Adam. Wala sa loob na napalingon si Yza at habol pa s’ya ng tingin ng señorito niya habang nakapameywang at nakatulis nang kaunti ang mga labi at matalim ang mga matang nakatitig sa kanya kaya binilisan niya ang paglakad dahil parang mapapaagap na yata ang kamatayan niya kesa sa lola niyang may sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD